Chapter 4

67 4 0
                                    

Josh's POV

Naglalaro ako sa phone ko at napansin ko namang tahimik lang si Hazel sa harap ng bintana.

"Love," tawag ko pero hindi niya ako sinagot. "Love! Hoy!" Tawag kong muli at dun niya na ako napansin.

"H-ha? Baket? M-may kelangan ka ba?" Wala sa sariling sagot niya.

"Ayos ka lang ba? Mag dadalawang oras ka nang nakaupo dyan. Di ka ba nangangalay?" Tanong ko at bumuntong hininga naman siya.

"May gusto kase akong puntahan. Namimiss ko na si Lola e," aniya habang nakayuko at nagkakalikot sa kuko niya.

"Akala ko ba wala ka nang ibang kamag anak?" Takang tanong ko.

"Si Lola Sita. Siya yung matandang kapitbahay namin na tinutulungan ako araw araw. Namimiss ko na kakulitan nun e," bahagya siyang natawa sa sinabi niya pero bakas pa ren ang lungkot sa boses niya.

"Wala naman akong gagawin ngayon, gusto mong puntahan naten?" Aya ko sa kanya at lumiwanag agad ang mukha niya sa sinabi ko.

"T-talaga? Seryoso ka?" Nanigurado pa. Tumango ako bilang sagot at agad naman siyang kumilos para maligo at magbihis.

Kumilos na den ako. Naka plain white shirt lang ako, ripped pants then sapatos. I'm ready!

Hindi pa tapos si Hazel kaya ako na ang humarap sa pinto nung may kumatok.

"Sir, eto na po yung susi ng sasakyang binili niyo. Nasa parking lot ko na den pinasok," nakangiting aniya nung lalake.

"Ayos! Timing ang dating mo pre. Salamat!" Huling sambit ko bago sinara ang pinto.

"Sino yun?" Biglang sulpot ni Hazel habang nagkakalikot sa maliit na sling bag niya.

"Ah wala. Dumating na daw yung sasakyang binili ko kahapon," sagot ko at gulat na tumingin saken.

"Magkasama tayo buong araw kahapon ah? Di naman kita nakitang bumili niyan," sambit niya.

"Si Jah ang inutusan kong bumili since magkasama nga tayo," sagot ko at alangan naman siyang tumango. Ayaw ata maniwala.

A Month With A Gamer (SB19 SERIES #2)Where stories live. Discover now