Chapter 6

112 5 15
                                    

Justin's POV

Pag uwi ko ay nakita ko si Diko sa may pinto habang hawak hawak ang isang malaking paper bag.

"Ano yan?" Agad na tanong ko. Di man lang nagulat.

"Ewan ko. Para sayo daw eh." Nagtataka akong tiningnan siya. "Tsaka kaalis lang nung nagpadala. For peace offering daw," taka pa ren akong nakatingin sa kanya.

"Peace offering? Eh?" Ani ko at kumibit balikat lang si Diko bago tumalikod.

"Cassie daw pangalan niya," pahabol niya.

Cassie? Sino yun? Kaano ano niya kaya si Marga? Joke lang.

Dala dala ko ang malaking paper bag na binigay ni Diko. Nagdaldalan muna kami ni Mama at Papa bago umakyat sa kwarto ko para magbihis. Pagbaba ko ay saktong dinner na kaya dumiretso na akong kumain.

"Sino yung kausap mo sa labas, Yani?" Rinig kong tanong ni Papa kay Diko.

"Ah may pinapaabot lang kay Jah. Sakto kaseng nasa labas ako kaya ako na ang humarap," kaswal na sagot niya.

"Kilala mo ba yun?" Nag angat ako ng tingin kay Mama na nakatingin din sakin.

"Ang sabi ni Diko kanina, Cassie daw name niya," prenteng sagot ko den.

Sanay naman na ako sa mga surprise gifts kase halos araw araw may nagpapadala sakin mula sa office hanggang dito sa bahay. Minsan si Diko na ang nag aabot sakin kase yung iba galing pa sa ibang bansa like from our international fans.

"Oh, eh ano naman ang laman nun?" Nang aasar na tanong ni Kuya CJ. Eto talaga yung inaasar ako sa lahat ng babaeng nagpapadala saken.

"I don't know," kibit balikat na sagot ko. "Tsaka ko na bubuksan yun. Isasama ko nalang yun sa mga nakatambak na gifts na bubuksan ko para may maicontent ako sa vlog ko."

Tumango naman sila at saka ibinaling sa ibang topic ang usapan.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para maglaro. Naging busy na din kami kaya medyo madalang nalang ako makapaglaro.

Agad akong nabored sa nilalaro ko sa computer. Di man lang uminit ang pwet ko dun.

Napako ang tingin ko sa dalawang basket na puno ng gifts. Nasa ilalim yun ng salamin ko kaya medyo agaw pansin den kahil hindi naka arrange lahat.

Kinuha ko ang cellphone ko at chinat ang mga kaibigan ko na tulungan akong magbukas ng mga gifts. Another content na naman ang gagawin tomorrow para may mapost.

Kinabukasan ay inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa kotse kasama na ang dalawang basket ng gifts. Bitbit ko na ren ang camera ko at ang tripod.

A Month With A Gamer (SB19 SERIES #2)Where stories live. Discover now