Chapter 5

91 5 13
                                    

Hazel's POV

"Kakain na!" Tawag ko at sabay naman silang pumasok. Nakangiting nakatingin si Josh sa pagkain. Gutom na to panigurado.

"Maupo na kayo para makapagdasal," agad kaming naupo at tumungo sa pagdadasal ni Lola.

Masaya naming pinagsaluhan ang niluto kong menudo at tortang talong. Inilabas ko den ang softdrinks para mas masarap ang kainan.

"Kamusta naman po dito lola?" Pagbabasag ko sa katahimikan naming tatlo.

"Ganun pa ren naman. Nagkakalabugan pa ren dyan sa kabilang bahay," natatawang bulong ni Lola. "Baka nagpapatayan na nga sila sa loob kase walang napagbubuntungan ng galit yung Tita mo tuwing lasing."

Napailing ako sa sinabi niya.

"Mabuti na nga pala at pinaalis ka. Baka sa susunod pinaglalamayan ka na dyan," seryosong sabat si Josh.

"Yeah. Mabuti nga," tanging naisagot ko. Hinawakan ni Josh ang kamay ko at bigla naman akong nakaramdam ng bahagyang kuryente.

Hindi ko yun inalis. Siya ang kusang nag alis sa pagkakahawak niya nung maglilipit na ako.

"Let me help you," nakangiting sambit niya at isa isang hinugasan yun. Wew!

Pagkalabas ni Josh ay naghahanap siya ng pagpapahiran ng kamay niya.

"Ipunas mo dito yung kamay mo," abot ko sa kanya nung white towel na dala ko bago inabot ang alcohol. Nakasanayan na namin yan. Hahahaha.

Nagkwentuhan lang kami saglit at nagyaya na deng umuwi si Josh kase may stream pa daw siya mamaya.

3:30pm pa lang at inaayos ko na ang loob ng sling bag ko.

"Aalis na po kami Lola ah? May gagawin pa si Josh mamayang gabi e," pagpapaalam ko bago buksan ang pinto. Nasa labas si Josh habang kausap ang isang staff nila.

"Maraming salamat sa pagdalaw niyo at sa mga binigay niyo ah? Di ko talaga inaasahan ang pagdating niyo. Halos mahimatay na nga ako sa gutom kaninang umaga e," sinserong sabi ni Lola.

"Wala yun, La. Babalik kami dito kapag may free time kami. Isasama ko ibang mga kaibigan namin," nakangiting sulpot ni Josh.

A Month With A Gamer (SB19 SERIES #2)Where stories live. Discover now