KABANATA 26

806 17 2
                                    

"Aki, Rachel was rushed to the hospital last night."

"Aki, Rachel was rushed to the hospital last night."

"Aki, Rachel was rushed to the hospital last night," paulit ulit na naglalaro sa isipan ko ang sinabi ni Sayoko.

I remembered the last time I talked to Rachel.

FLASHBACK.

"Rachel, are you sick?!" halos pasigaw na tanong kong muli.

Humarap siya sa'kin, "Yes, I'm sick. I'm slowly dying Aki. Siguro nga ito na ang karma ko. For forcing him to love me. I gambled with fate, and see what I got," her tears started to fall. "Mang-aagaw ako diba? I deserve this. I deserve this shit!" tuloy niya.

"Rachel, wag mong sabihin yan."

Nagpunas siya ng luha at muling nagsalita, "Tss. Wag ka ngang magpanggap na mabait. Alam kong galit ka sa'kin. Ano, ha?! Masaya ka na? Masaya ka na?" her voice become shaky and louder.

"Mamatay na 'ko. Maybe a month or two... Or maybe today. Bakit ko pa ba patatagalin? E ako nga 'tong sagabal sa inyong dalawa ni Sayoko diba? Diba?!"

Nilapitan ko siya. I tried to hug her but she stepped back.

"Alam mong hindi totoo yan."

"No, please. Stay away. Ayokong kaawaan ako ng kahit na sino, lalong lalo na ikaw."

Nagsimula na siya maglakad pabalik ng classroom.

"Sandali lang," pigil ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad. "Alam na ba ni Sayoko?"

Dahan dahan siyang humarap at lumapit sa akin.

"No," nakayukong sagot niya.

"Wala ka bang balak sabihin sa kanya?"

Hindi ko inasahan ang sumunod na pangyayari. Lumuhod siya sa harap ko.

"Aki parang awa mo na. Please don't tell him. Ayokong kaawaan niya ako," sabi nito.

Lumuhod din ako para pantayan siya. Nakayuko siya pero dinig ko ang paghikbi niya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

Inangat niya ang ulo niya. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Pinahid ko ang luha niya gamit ang aking mga palad at niyakap siya.

"Akinka, I'm sorry," bulong niya. "I'm sorry for being selfish," she continued.

Itinayo ko siya at nagpaalam na ako.

"Aki," habol niya.

Nilingon ko siya. Lumapit siya sa akin.

"Can I ask you another favor? I know this sounds pathetic pero," halos hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

"Say it." I smiled at her.

"Pwede bang magstay muna siya sa tabi ko? Pwede bang sa akin na muna siya until I die? Pwede ba yun Aki, Please?" nakangiting tanong niya. She sounded sarcastic to me.

"Hindi ko siya pwedeng diktahan sa kung anong dapat niyang gawin. I don't own him Rachel, you know that."

"Ok, I'm sorry," tanging nasambit niya. At tumalikod na siya.

END OF FLASHBACK.

Siguro alam na ni Sayoko ngayon ang tunay na kalagayan ni Rachel, na mas kailangan siya nito ngayon. Maybe it's time na sarili ko naman ang isipin ko, mahalin ko at ibigay nalang ang kahilingan ni Rachel.

Si Sayoko, hindi ko siya ipinagtatabuyan o itinutulak palayo. Hindi ako, marahil ang tadhana na mismo ang nagdidikta at tumututol sa aming dalawa. Marahil hindi talaga kami para sa isa't isa.

Ako yung taong bumalik ng wala man lang pasabi, panggulo lang ako sa buhay nila.

"Who's Rachel?" biglang tanong ni Raffa habang nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip.

"His girlfriend," simpleng sagot ko.

Tumango tango siya.

"Sayoko's girlfriend?" tanong niya ulit.

"Oo nga." Napakakulit.

"You never mentioned."

"Do I have to? Are you interested to him?" I teased.

"No, pero sayo interesado ako," pang-aasar din niya sabay turo niya sa akin habang nagluto. Diyos ko po! Raffa, awat na please.

Raffa is taking up Culinary Arts in US. He loves cooking, I love eating. Kaya kapag magkasama kami, madalas niya akong nilulutuan.

"Pwede ba, magluto ka nalang diyan," I rolled my eyes.

Pagkatapos magluto ni Raffa, nagsimula na naman siyang mangulit at mang-intriga ng tungkol kay Sayoko habang kumakain kami.

"Ka," tawag niya. He used to call me 'Ka' kapag kaming dalawa lang.

Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pagkain.

"Ka!" tawag niya ulit sabay hila sa platong pinagkakainan ko.

"Bakit ba?! Kumakain ang tao eh," singhal ko.

"Umaasa ka pa rin ba sa kanya?" Aray! Sapul. Wala talaga kaprenopreno bibig nitong si Raffa.

Tinaasan ko siya ng kilay at hinila pabalik ang plato ko at nagsimulang kumain ulit.

"OK, back to you Raffa," he teased again.

"Look who's talking," bulong ko. E pareho lang naman kami.

Life isn't fair, really.

After a week, I made up my mind.

"Sabihin mo sa aming nagbibiro ka lang," paulit ulit na pilit ni Chummy after telling them my decision.

I shook my head.

I know they're shocked.

I am expecting that kind of reaction.

"It's two weeks from now," Yummy added.

And I nodded.

Ayokong magsalita.

Dahil alam ko na sa bawat dahilang sasabihin ko kung bakit kailangan kong umalis, meron din silang dahilan para manatili ako.

"Wala ka bang balak magsalita?" naiinis na tanong ni Chummy.

I shook my head again.

"This conversation is going nowhere." Chummy walked out.

"I know." Yummy followed her.

Alam kong masasaktan ko sila sa pag-alis ko. Sa sandaling nakasama ko sila, napamahal na sila sa akin. They are already my family. They're hurt but on my part, it hurts the most.

But my decision is final.

If I stay, I wouldn't be able to move forward. If I stay, the pain won't go away. If I stay, it'll be harder for me to let go.

Isang linggo na rin akong walang balita kay Sayoko. Maybe it's better this way. At mas okay din siguro na wala akong alam tungkol sa kanya bago ako umalis. In that way, it will be easier for me to leave.

That's two weeks from now, after my final exam. I'm going back to US with Raffa. You read it right. At doon na tapusin ang pag-aaral ko. And maybe I'll be staying there for good.

Siguro mali ako nang isipin kong I meant to stay here. Siguro sa US na talaga ang buhay ko. At mali na ipagpilitan ko ang sarili kong manatili pa dito.

Actually I realized, sana pala hindi nalang ako bumalik.

And now, there's no turning back.

In the end, only three things matter; how much you loved, how gently you lived and how gracefully you let go of things not meant for you.

Three Kinds of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now