KABANATA 33

778 20 6
                                    

Nagising ako sa amoy ng mainit na tsokolate.

Sinilip ko ang oras sa aking cellphone. Alas siyete pasado na ng umaga. Pinilit kong tumayo.

I came here to work and I am set out to do a good job.

Matapos makapaghanda ay lumabas na ako sa aking silid.

Walang tao, ngunit may mainit na tsokolate, egg pie at mga prutas sa mesa. At may mga kutsara't tinidor na ngayon.

Sa tabi ng pinggan, ay may isang tangkay ng puting rosas at may papel sa tabi nito.

Binasa ko ang sulat.

Eat your breakfast Miss Harley. Lumabas lang ako sandali, babalik ako agad.

Tss, kahit wag ka nang bumalik.

Bigla, may narinig akong humagikgik mula sa likod.

Nagulat ako na may ibang tao pala dito, hindi ko agad napansin.

Isang maliit na babaeng payat at halos walang ipin, nakatawa ito sa akin.

"Good morning iha, ang sweet ni Ser ano?"

"Sino po kayo?" tanong ko.

"Ako nga pala si Auring, nanay ako ni Epe. Ako ang nag‐ayos dito, kasi tulog ka pa kanina. Pasensya na nabasa ko ang sulat," dispensa niya.

"OK lang po."

Naupo na ako, pumwesto ako sa kung saan tanaw ko ang bintana at ang dalampasigan.

Napahawak ako sa aking ulo.

"Pasensya na po, nagulat ako sa inyo."

"Masakit ba ang ulo mo? Hindi ka ba nakatulog?"

"Eh masakit nga po eh. Pwede bang pakihilot kahit sandali?" hiling ko.

"Walang problema, maghuhugas lang ako ng kamay," paalam ni Lola Auring.

Nanatili akong nakapikit habang hinihintay ang pagbalik ni Lola Auring.

Maya‐maya ay naramdaman kong may tao na sa aking likuran. Nang lumapat ang mga kamay niya sa aking ulo para hilutin ito, ay agad akong nakaramdam ginhawa.

May limang minuto na yata ang nakalipas.

"Maraming salamat po. Buti nalang nandiyan kayo, masakit kasi talaga kanina ang ulo ko."

"Sana hindi ako ang nagpasakit sa ulo mo."

Nagulat ako dahil hindi boses ni Lola Auring ang sumagot sa akin.

Minulat ko ang aking mga mata at tumalikod. Si Sayoko, na suot lamang ang swimming trunks at halatang galing sa dagat.

"Bakit ikaw ang nandito? Nasaan si Lola Auring?"

"Pinaalis ko na," simpleng sagot niya.

Umayos ako ng upo at nagsimula nang kumain. Tumabi siya sa akin at kumain na rin.

"Any ideas so far regarding the conceptualization of this place?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Actually my proposal is to develop this place into a resort, a lovers' destination. A home away from home where lovers can have adventure with nature. Yung maramdaman nilang para silang bagong kasal every time they spend time here. Let's make the overall design, romantic. Let's put up a place where they can play romantic sports and create romantic activities. A theme of wellness of heart, body and soul. Let's turn it into a paradise."

He smiled at me.

Sana lang nagustuhan niya.

"Brilliant, I like it. A resort exclusively themed for lovers. Sounds unique! Kailan mo matatapos ang concept paper?"

"Maybe a week or two."

I hate rushed works but this is an exception. I want to finish it as soon as possible.

"Good. In two weeks we will launch the concept. Come, I'll show you something."

Mabilis na nagsuot ng t‐shirt at shorts si Sayoko at hinila ako palabas.

He held my hands. Pilit kong binabawi ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya. Binitiwan niya lamang ako nang makarating na kami sa labas.

Naka‐park ang isang motorsiklo.

"Sakay na," utos niya na nauna nang sumakay.

"Dito?" sabay turo ko sa motorsiklo.

"Yes."

Halos isang minuto akong nanatiling nakatayo.

"Umangkas ka na," ulit niya.

Wala akong nagawa kundi sumakay sa likod ng motorsiklo at alangang yumakap kay Sayoko.

Nilibot namin ang kabuuan ng resort.

Itinuro ko kung saan ang magandang location ng swimming pool, an open air restaurant on top of a hill overlooking the beach, gardens, mini‐theaters and other facilities for a romantic resort.

Kumain kami ng tanghalian sa isang kalapit na resort.

Masaya naming pinag‐usapan ang plano.

Sandali kong nakalimutan ang nakaraan at ninamnam ang sandaling 'yon.

Pagkatapos ng tanghali ay itinuloy namin ang pamamasyal sa lupang nasasakupan ng proposed project.

We decided to spend the rest of the day on the beach.

"Unahan tayo, ang mahuli, ibabaon sa buhangin!" sigaw niya. Iyon lang at tumalikod na siya at tumakbo.

Sinundan ko siya.

Nag‐unahan kami papunta sa dalampasigan, baon ang mga halakhak at sigaw, parang dati. Parang walang nagbago.

Kasabay ng pagaspas ng alon sa aming mga paa ay ang malakas na kulog mula langit at ang pagbagsak ng mahinang ulan.

"Aray!" napasigaw ako sa sakit.

"Napano ka?" nag-aalalang tanong ni Sayoko.

Pagsilip ko sa aking mga paa ay may bahid ng dugo sa mga ito. Nakaapak ako ng isang matulis na kabibi at nasugatan.

Maingat akong pinaupo ni Sayoko sa buhanginan.

Pinilas niya ang isang bahagi ng kanyang mangas at itinali sa aking paa.

"Huwag kang gumalaw, bubuhatin kita."

"Kaya kong maglakad," pilit ko.

"Ang tigas ng ulo mo," maingat akong binuhat ni Sayoko at isinakay sa motor.

Ngunit siya namang pagbuhos ng napakalakas na ulan.

Malapit na sana kami sa mansiyon nang magkaroon na naman ng aberya.

Tumirik ang motor at ayaw nang umandar.

Abot tanaw na namin ang mansiyon.

"Sir," usal ko.

"Lakarin nalang natin, bubuhatin kita," Sayoko insisted.

Kitang kita ko na ang pagod sa mukha niya. At ayokong dumagdag pa.

Gusto ko sanang tumutol, "Hindi na, maglalakad nalang..." Pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

I tried hard to keep my eyes open but I failed.

Everything went black and I don't know what happened next.

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon