KABANATA 37

813 16 2
                                    

Pagkatapos naming gumawa ng eksena, kinaladkad ko siya palabas.

Wala siyang nagawa kundi sumama.

"Nasaan ang sasakyan mo?" pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Bakit? Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya.

"Tinatanong ko kung nasaan ang sasakyan mo?" ulit ko.

"Nasa parking lot."

Pumunta kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya.

Aktong bubuksan na niya ang pinto ng passenger seat para pagbuksan ako, "Give me the key," I commanded.

Hindi siya kumikilos. Naiinis na ako.

"I said give me the key, ako ang magda-drive," ulit ko na naman.

"Sigurado ka?"

"Ibibigay mo ba o babalik nalang ako ng Amerika ngayon din?" banta ko.

Nagmamadali niyang inabot sa akin ang susi. "Takot ko lang na iwan mo ulit ako," bulong niya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong na naman niya. Hindi ko siya sinagot.

Sumakay kami ng kotse niya at mabilis kong pinaharurot ang sasakyan.

"Dahan dahan naman Aki, ayoko pang mamatay," reklamo niya.

"Manahimik ka," sagot ko.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Mag-uusap tayo."

Nilalakbay namin ang daan papunta sa hotel na tinutuluyan ko.

"Saan?"

"Sa hotel."

"Hindi mo naman sinabi agad, di sana hindi na ako nagtanong. Binigay ko agad ang susi," natatawang sambit niya.

"Shut up Mister Miller."

"Ganyan mo ba itrato ang boss mo?"

"Tapos na ang trabaho ko sayo."

Hanggang sa makarating kami sa unit na tinutuluyan ko.

"Sit," utos ko.

"Hindi mo man lang ba ako aalukin ng juice or coffee?"

"Hindi kita dinala dito para painumin ng juice or coffee," inis na sagot ko.

Umupo ako sa sofa na katapat ng kinauupuan niya.

"May mga tatanungin lang ako sayo. And I want you to be honest with me, if I am not satisfied with your answer, I will give back your ring."

"Grabe naman yan."

Binato ko siya ng throw pillow, "Shall we start?"

"Yes love," nakangising sagot niya.

"First question, totoo ba na sumunod ka sa akin sa US soon after I left?"

Tumango siya.

"Bakit hindi mo ako nilapitan?"

"Dahil alam kong nasaktan kita. Alam ko na kapag nilapitan kita, hindi magiging madali sayo na makalimutan ang nakaraan."

I let go of a deep breath.

"Next question, bumalik ka dito 5 years ago. Sa limang taong pamamalagi mo dito, hindi ka nagkagusto sa iba?"

"Aamin ko sayo, nakipagdate ako kung kanikanino. But no one of them replaced you."

"Are you sure?"

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon