KABANATA 49

824 17 1
                                    

"Ang ganda ganda talaga ng asawa ko," puri ni Sayoko sa akin.

Kakatapos ko lang mag-ayos. Ang bilis ng araw, lumipas na naman ang pitong buwan. At ngayon ang araw ng kasal ni Thunder at Chummy. Ito na talaga!

"Hindi mo ako maidadaan sa pambobola mo mister. Kung ayaw mong pumunta, edi wag! Basta pupunta pa rin ako," pagpupumilit ko.

Yumakap siya sa akin, "Nag-aalala lang ako sayo at kay baby, kabuwanan mo na. Baka mapaanak ka bigla."

"Kasama naman kita ah. Hindi pwedeng wala tayo sa kasal nila, magtatampo yung mga yun," paliwanag ko. "Please? Pogi, please."

"Nambola ka pa! Sus, ang tigas talaga ng ulo ng misis ko. Fine fine, we're going!" he surrendered.

End of conversation. Diretso agad kami ni Sayoko sa simbahan.

"Girl, ang laki na ng tyan mo. Para kang nakalunok ng pakwan! Oh my gosh!" puna ni Yummy.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Di bale nang malaki ang tyan, basta maganda!" nakapamewang na sagot ko sa kanya.

"Ay, pak na pak yan! Pero diba kabuwanan mo na?" may pag-aalalang tanong ni Yummy.

"Oo, kaso mapilit eh. Ako ang kawawa kapag hindi ko pinagbigyan, baka outside the kulambo ako kapag nagkataon," sagot ni Sayoko.

"Is it a girl or a boy?" tanong na naman ni Yummy.

"We don't know yet. Gusto daw ni Aki surprise," natatawang sagot ni Sayoko.

"Ay sana girl, para may playmate ako. No, pwede ding boy. Kahit ano, basta healthy. Right Aki?" Ang landi landi, ang sarap kurutin sa singit nitong si Yummy.

"Nandito na ang bride!" someone announced.

Naghanap na kami ng upuan dahil mag-uumpisa na. The song also started.

♪♫ If I had to live my life without you near me

The days would all be empty

The nights would seem so long ♪♫

Chummy asked me to be her bride's maid, I declined. Baka mapaanak ako habang naglalakad.

♪♫ With you I see forever, oh, so clearly

I might have been in love before

But it never felt this strong ♪♫

Nakikita ko na si Chummy habang naglalakad papalapit ng altar kasama ang mga magulang niya. Hindi maipinta ang tuwa sa mga ngiti nito, kahit nakabelo ay halata ang kislap sa kanyang mga mata.

♪♫ Our dreams are young and we both know

They'll take us where we want to go

Hold me now, touch me now

I don't want to live without you ♪♫

"Umiiyak ka ba?" natatawang sita ni Sayoko at inabutan ako ng tissue.

"Naalala ko lang nung ako yung naglalakad sa altar, akala ko talaga hindi darating si mommy," lumuluhang sagot ko.

"But still she came." Sayoko smiled at me then wiped my tears.

♪♫ Nothing's gonna change my love for you

You oughta know by now how much I love you

One thing you can be sure of

I'll never ask for more than your love

Nothing's gonna change my love for you

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang