KABANATA 41

732 18 5
                                    

When someone makes you the happiest person and the saddest person at the same time, that's when it's real. That's when it's worth something.

Buong magdamag wala akong natanggap na tawag o text man lang mula kay Sayoko. I think now is my turn to fight for him. Lalo na sa panahong ito na mas kailangan niya ako, hindi ko siya dapat bitawan. Kahit siya pa ang magtulak sa akin palayo.

Gumising ako ng maaga kahit hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Plastic ako kung sasabihin kong hindi ako umiyak. Pero hindi ako magmumukmok nalang sa sulok at magkukulong sa kwarto ko. Bakit kapag ginawa ko ba yun gagaling si Sayoko? Mawawala ba ang sakit niya? Hindi ako tanga, alam ko ang sagot, hindi.

Nagdesisyon akong puntahan siya sa opisina niya.

Tapusin? Asa siya. Sabi nga nila, "Don't give up when you know it's everything you want." He's everything I want; my bestfriend, my lover and my dream. And being with him is more natural to me than my own breath and heartbeat. At sa tabi niya lang ang lugar kung saan gusto kong manatili.

"Anong ginagawa mo dito?" bungad niya pagkapasok ko palang ng opisina niya. "It's over between us," he added.

Parang pinipiga ang puso ko. Pero hindi ako papayag na tapusin niya ang lahat sa amin ng ganun ganun nalang.

Nilapitan ko siya. "Duwag ka ba? At dahil lang sa put*ng*nang sakit na yan, sumusuko ka na agad?"

Tinigil niya ang kanyang ginagawa. Tumayo siya para pantayan ako. "I am doing this for you," hindi siya makatingin ng diretso.

"For me? Kung para sa akin to diba dapat masaya ako. Dapat hindi ako nasasaktan ng ganito. Akala ko ba wala nang iwanan?" napahawak ako sa magkabilang kwelyo ng damit niya. "Sayoko, hindi na ba ako mahalaga sayo?"

"Hindi mo naiintindihan."

"Ikaw ang hindi nakakaintindi. Alam kong hindi magiging madali. Oo mahirap, pero kakayanin ko. Kakayanin natin to."

"Aki, kapag nahihirapan ka o nasasaktan ka, ganun din ang nararamdaman ko." He's now looking at me.

"Then let's not waste our time worrying about the future. Let's just live everyday of our life happy. We don't have to be despaired nor be sad and cry in advance. We can do it when it actually happened." I started to become hysterical.

"Aki," masuyong pagtawag niya sa pangalan ko. Nakaramdam ako ng ginhawa nang bigla nalang niya akong hinagkan sa noo at niyakap.

"Hindi masamang maging makasarili kahit paminsanminsan. Stop thinking what I want. Think also of what you want."

"I love you. Ikaw lang ang nagbibigay sa akin ng dahilan at pag-asa para lumaban. Everyday we are together is the greatest day of my life. Siguro nga hindi magiging madali pero tama ka, let's not waste our time worrying about the future and just live each day happily."

"Sige na. Aalis na ako, baka ma-late ako sa flight ko," paalam ko sa kanya. Napabitaw siya at halatang nagulat.

"Babalik ka na ng Amerika?" tanong niya.

"Uhm, oo. Marami kasi ako trabahong dapat tapusin bago magresign."

"Magreresign ka sa trabaho mo? Diba kaya mo tinanggap ang trabaho dito sa Pilipinas ay para sa promotion?"

I smiled at him, "I already don't need the promotion. All I need is you. And don't tell me binabawi mo na ang inalok mo sa aking kasal."

Natawa ito, "Of course not."

"Dapat lang. I also need to talk to mom and dad."

"Sasama ako sayo."

"Sigurado ka? Kaya mo?"

Inakbayan niya ako, "Oo naman. Sakit lang to. You're all that matters to me, and for you I will live forever."

I believe that everything happens for a reason. So if you get a chance, take it. If it changes you, let it.

And just like fate, I know I won't ever have anyone like him.

Three Kinds of Love (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora