Chapter 12

10 2 0
                                    

Jax's Pov

Halos lumuwa mata ko ng makita ko si Yana sa suot nito kitang kita kasi ang hubog ng katawan niya. Kumpara sa iba na super sexy ang mga suot siya naman ay simple lang pero labas parin ang kasexyhan niya.

Sunod lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa makarating sila ng mga kasama niya sa dagat at lumusong doon.

"Pwede naman natin silang puntahan at samahan kung gusto mo" sabi ni Harry

"Ang sexy ni bayaw no?" Napatingin naman ako kay Val at binato siya ng maliit na kabibe na napulut ko sa tabihan ko

"Huwag niyo nga siyang tignan" Sabi ko sa dalawa

Alam ng dalawa kung sino si Yana sa buhay ko at alam din nila na si Yana at ang kalaro naming si Butterfinger ay iisa.

Kilala ni Val si Yana matagal na dahil sa mga kwento ko pero hindi niya alam kung ano ang pangalan nito. Wala din siyang idea dati na si Yana na crush niya ang babaeng na ikwento ko na sakanila na gusto ko.

Nang malaman ni Val na si Yana ang babaeng tinutukso nila lagi sakin ay nagulat siya. Kahit na crush daw niya si Yana ay magpaparaya siya dahil kaibigan daw niya ako at alam nito kung gaano ko kagusto si Yana.

Binatukan ko pa siya noon sa sinabi niya at tinawanan, sinabi ko na okay lang magka crush siya kay Yana dahil sakin parin naman mapupunta si Yana. Sagot niya sakin ay marami naman daw siyang crush at hindi niya magagawang katalunin ako.

Sa sinabi noon ni Val sakin ay talagang nakahinga ako ng maayos. Sa totoo lang kinakabahan ako kung sakaling maging ka kumpetensiya ko siya kay Yana.

"Bro matutunaw niyan si bayaw" pang iinis pa ni Val sa akin

"Huwag mo nga sabi siyang titignan" at muli ko siyang binato ng maliit na shell

"Ikaw yung nakatingin eh kulang na nga lang matunaw siya sa kakatitig mo haha" sabi naman ni Val

"Isa ka pa huwag mo din siyang titignan" bato ko din ng shell sa kanya at tumawa

Kagabi lang nalaman ni Harry na ang babaeng may ari ng panyo na iniingatan ko at laman lagi ng panaginip ko ay si Yana. Nalaman din niya na si Butterfinger at Yana ay iisa.

Kanina lang din umaga sumabog ang notification ko at kinumpirma ng mga kaibigan ko kung totoo daw ba ang sinabi ni Harry sa kanila. Napag alaman ko na ikinuwento na niya sa barkada ang nalaman niya kahit sinabi ko na huwag ipagsabi. Nabasa ko rin ang text niya na sinabi nga raw niya kina Felix, Ulysses at Raymond na si Yana ang mystery girl na tinatago ko sa kanila. Humingi siya ng pasensiya dahil hindi daw siya makatulog at makapaniwala sa nalaman.

"Bro nilalapitan si Bayaw" -Val

"Alam ko" sagot ko habang nakatingin sa dalawang lalaki na lumapit kina Yana

"Ano na bro lapitan narin ba natin?" -Harry

"Huwag. Hayaan niyo lang" Sabi ko habang hindi parin naalis ang tingin ko sa dalawang lalaki at grupo ni Yana

Parang nag joke ang isang lalaki na lumapit kina Yana at nakita ko ang magandang pagtawa niya.

Napahawak ako sa mineral water na bote sa tabi ko at ininom iyon.

"Tara" malakas na loob na aya ko sa dalawa

"Alright!" Dinig kong sabi ni Val

"Anong gagawin natin bro? Lalapitan naba natin si bayaw?" -Harry

"Sunod lang kayo sa'kin" Sabi ko

Habang naglalakad kami papunta sa kanila ay may mga nakisali pa sa kanila. Gusto ko sanang pigilan ang sarili ko at magbalik nalang sa pinanggalingan namin pero tuloy tuloy parin ang mga paa ko.

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now