Chapter 22

8 2 0
                                    

Yana's Pov

"Good morning" bati ko kina Jessica at Angie

"Good morning besh" bati din nila sa'kin

"Kumusta Tagaytay?" Tanong ko kay Jessica pagkatapos kong umupo

"Same parin naman maganda parin ang view pati klima kaso napaka boring, umulan kasi kahapon doon hindi tuloy ako nakapag horseback riding" sagot niya

"Namiss ko bigla si Steve kailan ko kaya masasakyan siya ulit? Ang bait bait ng kabayo na iyon sa'kin" sabi naman ni Angie

"Hindi kayo natatakot sumakay ng kabayo? Para kasing ang laki nila tapos feeling ko kapag sumakay ako mahuhulog ako" sabi ko

"Ang sarap kaya sumakay ng kabayo at makipag karera" sabi naman ni Jessica

"Kay Pegasus lang ako komportableng sumakay" wala sa loob na sabi ko

"Wow! Besh may kabayo ka din?" Namimilog na mata ni Angie

"Ha? Wala" sabi ko sabay iling

"Eh sino si Pegasus?" Sunod na tanong niya

"Ano iyon uhm, sa nilalaro ko na online game" matapat na sagot ko

"Yung heavenly kingdoms? Tagal mo ng nilalaro iyon ah COD na uso ngayon besh" sabi naman ni Jessica

"Hindi naman naluluma ang HK eh nag u-update naman ang developer at mas gumaganda pa siya. Subukan niyo kasi" sabi ko

"No it's okay, wala akong time sa online games mas okay kung online shopping app pa iyang sinasabi mo eh" Jessica

"Good morning mga besh!" Masiglang sabi ni Fiona na bagong dating

"Mukhang good mood ka ah" pansin ko sa awra niya

"Guess what" nakangiting sabi niya sa'min

"What?" Sabay sabay na tanong naman naming tatlo sa kanya

"I got my new car na!" Excited na sabi niya

"Really?! Wow! Congrats!" Sabi ni Jessica kay Fiona at magkahawak kamay na nagtatatalon sa tuwa

"Omygosh besh! This calls for a celebration diba?!" Masayang sabi naman ni Angie

"Congrats besh! I'm happy for you! Isang joy ride naman after class" masayang sabi ko

Masayang nagyakapan kaming apat at wala kaming pake sa mga kaklase naming tumitingin samin

"I wanna see it!" -Jessica

"Oh gusto ko na din ipakita sa inyo kaso malapit na mag start class natin" sabi naman ni Fiona

"Save it for later girls nandiyan na si Sir Carl" nguso ko sa may pintuan

"Ang ganda ng keyfob mo besh" puri ni Angie sa key fob ni Fiona

"Thank you besh i want to buy accessories pa nga eh help niyo ako sa mall later ha?" Sabi naman ni Fiona

Nakangiting tumango ako sa kanya

"Sure bet ko iyon sakto ubos na oriflame toner ko" -Jessica

Nagsimula na klase namin at nagsi tahimik na kami. Medyo hindi maganda ang mood ngayon ni Sir Carl kaya kinakabahan kami. Kapag wala kasi siya sa mood nagbibigay siya ng surprise quiz buti naman hindi ngayon dahil hindi ako nakapag back read sa lesson niya gawa ng tinapos ko pa yung research ko.

*****

"Excuse me Miss Granasa pwede i excuse si Angel Irish Natividad?"

Napatingin naman kaming lahat sa taong naghahanap kay Angie

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now