Chapter 40

7 2 0
                                    

Yana's Pov

"Hala!" Nasambit ko habang inilalabas yung last batch ng cookies na binake ko. Nakalimutan ko kasi sila at nasunog. "Aissht! Bakit kasi ako nag open ng HK nawala tuloy sa isip ko mga binibake ko" usap ko sa sarili ko. "Ouch!" Daing ko pa ng mapaso ako dahil sa pagmamadaling ilabas sila. Hindi ko naman napansin si Jax na nakalapit na pala sa'kin. Agad niya akong hinila sa lababo at itinutok ang kamay ko doon sa gripo.

"Ayos ka lang ba? Bakit kasi hindi ka nag iingat!" Pagalit nitong sabi. Napatingin naman ako sa kanya na salubong ang dalawang kilay habang nakatingin sa kamay ko.

"Ayos lang ako napaso lang ng kaunti ang daliri ko" nakatingin sa kanya na sabi ko. Tumingin naman ito sa'kin at huminga ng malalim.

"Gamutin muna natin baka magka paltos ka" mahinahon na sabi nito bago pinatay ang gripo. Hinila naman niya ako papunta sa sala at pinaupo doon. "kukunin ko lang yung gamot" sabi pa nito bago muling pumasok sa study room. Paglabas niya may dala na itong medicine kit pati na ang laptop niya.

"Hindi naman masakit, nabigla lang ako kanina" mahinang sabi ko habang nilalagyan niya ng ointment yung namumulang bahagi ng daliri ko. Hihilain ko na sana ang kamay ko dahil tapos na ito sa pagpahid ng ointment kaso yumuko ito at hinihipan ang daliri ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa ginawa niya at napangiti.

"Patapos ka nalang nakuha mo pang mapaso. Ang tagal mo ng nag b-bake para magkamali pa, mabuti nalang hindi malala" sabi nito na binitiwan na ang kamay ko at mahinang pinitik ang noo ko.

"Nag panic lang ako kanina ng makitang nasunog yung mga cookies" nakasimangot na sabi ko habang hinihimas ang noo na pinitik niya.

"Parang hindi naman sunog ng makita ko kanina ah" sabi naman nito na ibinalik ang ointment sa loob ng medicine kit.

"Nag online kasi ako kanina sa HK at nakalimutan ko kaya nasunog" parang batang nag pout na sabi ko. Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko.

Bumalik kami sa kitchen para tignan yung mga cookies at para magligpit narin. Nang makita ko yung mga cookies mas lalo akong napasimangot dahil sunog talaga silang lahat. Balak ko sanang itapon na kaso biglang kumuha ng isa si Jax at kumagat doon. Nanlaki naman ang mga mata ko at hinablot yung natira sa kamay niya.

"Babe!" Napasigaw na sabi ko at lumapit sa kanya "iluwa mo yan!" Sabi ko pa na humawak sa ulo niya at inilagay ang isang kamay ko sa bibig niya. Hinawakan naman nito ang baywang ko at iniwas ang ulo niya.

"Bakit ko iluluwa masarap naman" sabi nito sabay lunok doon sa cookies kaya binitawan ko na siya.

"Paanong naging masarap eh sunog nga!" Inis na sabi ko at hinampas siya sa braso. Tawa naman ito ng tawa.

"Masarap naman talaga kahit tikman mo pa" sabi pa niya na lumapit ulit sa tray at kumuha ng panibagong cookies at kumagat ulit.

"Hala!" Tanging nasabi ko at sinubukan kuhanin ulit yung cookies sa kanya kaso nakatakbo na ito sa sala.

Para kaming batang naghahabulan sa gitna ng sala. Naalala ko naman mga kapatid ko sa kanya kapag binubully ako at naghahabulan din sa sala. Ako naman heto inis at napipikon.

Nang maubos niya yung cookie na hawak niya ay tumigil na ito sa pagtakbo at pag iwas sa'kin. Niyakap nito ang dalawang kamay niya sa baywang ko at ngayon naman ay para kaming nagsasayaw na walang tugtog.

"Pagtatawanan talaga kita kapag sumakit ang tiyan mo" sabi ko nalang dahil wala na akong magagawa dahil nakain na niya.

*Babe walang biro masarap at edible pa sila. Kung sasakit man ang tiyan ko hindi dahil nasunog sila kundi sa kakakurot mo" sabi nito na biglang ngumiwi. Napansin ko naman ang isang kamay ko na nasa tiyan niya at nakakurot nga. Agad ko naman binitawan.

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now