Chapter 42

7 2 0
                                    

Yana's Pov

"Ang dami mo namang dala ano mga yan?" Tanong ni Fiona na kinuha pa ang isang paper bag na hawak ko

"Ang dami naman ng mga 'to mauubos ba natin lahat 'to?" Tanong naman ni Angie na tinignan ang laman ng paper bag na hawak ni Fiona

"Mabuti pa kumuha na kayo at ng may buena mano ako" nakangiting sabi ko pagkaupo ko sa upuan ko. Inilabas ko naman ang iba pang dala ko at pinakita sa kanila.

"Ano yan?" Tanong ni Pamela na lumapit sa'min ng makita ang mga dala ko.

"Banana cake at chocolate chip cookies" mabilis na sagot ko at inabutan siya ng tig isang pack.

"Uhm, thank you?" Medyo nalilitong sabi niya pagkakuha sa mga binigay ko sa kanya

"200 ang banana cake at 150 naman para sa mga cookies bale 350 lang sila" nakangiting sabi ko sabay lahad ng palad para sa bayad niya.

"Huh?" Sabi pa niya. Tumango tango nalang ako habang nakalahad parin ang mga kamay sa harapan niya.

Agad ko naman binigyan mga kaibigan ko ng tig isang pack din ng banana cake at cookies at wala silang nagawa kahit nagrereklamo ang mga ito.

Hindi ko talaga ugaling makipag usap sa mga classmates ko lalo na kung hindi naman tungkol sa klase pero sa pagkakataong ito ay lumapit ako sa kanila para bentahan ng mga baked goodies ko. Nag ikot ako sa buong klase at lahat ng nilapitan ko ay bumili naman ng tig isang pack.

"Sorry diet ako eh maybe next time" tanggi ni Janna ng subukan kong bentahan siya ng mga dala ko.

"Sige na please kahit cookies o cake lang, promise masarap to at makakatulong kapa sa mga bata na nasa Munting Tahanan Orphanage" pamimilit ko sa kanya

"Keto ba mga yan?" Tanong pa nito habang nakatingin sa mga hawak ko

"Hindi eh" pag amin ko

"Sorry talaga kahit gusto kong bumili hindi ko naman makakain masasayang lang" sabi pa nito

"Pwede ka naman bumili tapos gawin pasalubong sa mga kapatid mo" pamimilit ko pa. Ayoko sana siyang pilitin kaso limang piraso pa kasi ang natitira at nahihiya akong alukin mga kaklase kong lalake dahil hindi ko naman talaga sila ka close.

"Sige na nga bigyan mo'ko ng cookies, dalawa na, baka pag awayan pa ng mga kapatid ko paborito kasi nila" nakangiting sabi nito

"Wow! Thank you" sabi ko at binigay yung dalawang natitirang pack na cookies sa kanya.

Bumalik ako sa upuan ko at si Jessica naman ang sumubok magbenta ng tatlong natitirang banana cakes kaso walang interesado.

"Hoy bilhin niyo na mga 'to! Ang yayaman niyo pero ang kukuripot!" Malakas na sabi ni Angie pero parang walang narinig ang mga ito.

Hindi na'ko magtataka kung walang pumansin sa'min kasi nga mga suplado talaga mga kaklase naming mga lalaki. Akala ata nila kina cool nila 'yon feeling ke g-gwapo. Actually, pati naman ilang mga girls katulad ng mga hindi ko nilapitan kanina sobrang sosyal kasi nila baka mapangiwi at masabihan pa na yuck ang mga baked goods ko.

"Hayaan niyo na tatlo nalang naman, ibebenta ko nalang sa mga Kuya ko pag uwi ko" sabi ko sa mga kaibigan ko at nginitian sila

"Bibilhin naman kaya nila? Baka hingin lang sa'yo" sabi naman ni Fiona.

"Hindi malabong ganoon nga ang mangyayari pero ayos lang kapatid ko naman sila" sabi ko

"Hindi pwede sa business ang ganyang mindset besh malulugi ka" -Angie

"Tama, buti nalang ngayon lang 'to" -Jessica

Napatingin naman ako sa kanilang tatlo.

"Mag b-bake parin ako at itutuloy pagbebenta  para makatulong sa mga bata" seryosong sabi ko

"Oh my Buddha! Huwag mong sabihin araw araw mo kaming bebentahan ng mga cookies mo?" -Fiona

"Uhm, hindi naman araw araw siguro once o twice a week? Kapag hindi lang naman ako busy" sagot ko

"Seryoso ka? Besh malapit na summer break at end of school year na. Hindi naman pwede na kaming tatlo lang costumer mo" -Angie

"I think hindi magandang idea ang naisip mo" -Jessica

"Oo nga besh, ngayon napilit mong bumili mga classmates natin pero kung uulitin mo yan next week palagay ko hindi na uubra pwera nalang kung nagustuhan talaga nila" -Fiona

"Ang sabi niyo masarap naman mga cakes at cookies ko diba?" May lungkot sa boses na patanong na sabi ko

"Masarap naman talaga pero iba iba parin tayo ng taste buds. Pwede silang bumili ulit sayo pero pwede rin na hindi na.Halimbawa mo nalang si Janna na hanap ay keto dahil diet siya, napilitan lang siyang bumili ng cookies diba? Iba iba rin tayo ng preferences, yung iba sigurado gusto ng chocolate cake o kaya tiramisu pero napilitan lang bumili ngayon sa'yo dahil nahihiya sila o kaya gusto lang talaga nilang makatulong. May posibilidad na sa susunod na bentahan mo ulit sila tumanggi na sila" -Jessica

"So anong gagawin ko para mabentahan ko ulit sila? Kayong tatlo at sila lang naman ang mga kilala kong pwedeng pagbentahan" -ako

Mahabang katahimikan namagitan saming apat hanggang sa muling nagsalita si Jessica.

"Hingi ka ng feedback kung nagustuhan ba nila tapos sabihin mo na next week magbebenta ka ulit at pa orderin mo sila" -Jessica

"Good idea! Para iwas lugi kana din" -Jessica

"What if gumawa ka ng account mo online tapos i post mo mga products mo? Mas lalaki yung target market mo" -Angie

"Oo nga besh maraming gumagawa ng ganyan ngayon, sa fb ko nga puro online seller ang nasa newsfeed ko" -Jessica

Sabay sabay naman kaming tumango at nagka ngitian dahil sa mga idea nila. Sobrang grateful ako at naging kaibigan ko sila at sa pagsuporta nila sa'kin. Sakto naman dumating na si Prof. Carl kaya tumahimik na kami at nakinig sa lecture niya.

***

Kakatapos lang namin mag lunch at abot tenga ang mga ngiti ko habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko pabalik sa classroom namin. Binili kasi nina Val, Harry at Felix yung mga natitirang banana cakes ko.

"Nakakamiss si Jax no? Hindi na natin siya nakakasabay mag lunch" may lungkot sa boses na sabi ni Fiona

"Considered as graduate na kasi siya kaya hindi na niya kailangan pumasok pa. Ayoko din naman mapagod siya lalo dahil malayo din ang company nila dito sa university natin" paliwanag ko

"Grabe no hindi man lang siya nakapag pahinga,  hindi pa nga niya nasusuot ang toga niya nagtatrabaho na agad siya" -Fiona

"Daig mo pa si Yana kung makamiss sa boyfriend niya ah" natawa naman ako sa sinabi ni Jessica

"Bakit ba namimiss ko talaga siya eh, ikaw ba hindi? Atsaka bago sila naging si Yana naging ultimate crush natin siya. Nakakamiss kaya yung pagsunod sunod natin sa kanya para lang makita siya" -Fiona

"Sabagay, bigla ko tuloy din siyang na miss" -Jessica

"Hayaan niyo bukas makikita naman natin ulit siya dahil may final game sila. Diba ininvite nila tayo manood?" Masiglang sabi ni Angie

"Oo nga no?! Last game na din para sa mga g-graduate ngayong taon. Sure ba maglalaro bukas si Jax?" Tanong ni Fiona na tumingin pa sa'kin. Tumango naman ako sa kanya at napasuntok pa ito sa hangin kasabay ng pagsabi ng yes! Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa reaction niya.

Habang naglalakad kami at pinag uusapan ang magiging laro bukas napansin ko ang mga kaibigan ko na sobrang exited nila. Nagpaplanong gagawa ng banner ang mga ito para suportahan ang architecture team. Sa sobrang exited nila nagi guilty tuloy ako.  Siguro kailangan ko rin ipakita sa lahat ang suporta ko sa architecture team lalo na kay Jax.

*****

DESTINED TO BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon