Chapter 23

7 1 1
                                    

Yana's Pov

"Sige boys alis na kami may class pa kami eh" paalam ni Jessica kina Jax, Felix at Harry

"Sige ah! Bye!" Sibukbit na ni Fiona yung bag niya sa balikat niya kaya tumayo narin ako.

"Babe" tawag sakin ni Jax

Gusto ko sana siyang lingunin pero hindi ko ginawa, natutulala na naman kasi mga kaibigan ko.

"Sige ha thanks sa libreng food" mabilis na sabi ko kina Felix at Harry at nginitian sila "tara na" aya ko naman kina Jessica at Fiona

Nakakailang hakbang palang kami ng muling tawagin ako ni Jax

"Wife" sabi niya na nagpakagat sa ibabang labi ko

"Wife?" Takang tanong naman ng mga kaibigan ko habang nakatingin sakin

"Ah eh wala haha tara na" aya ko sa kanila. Lumapit naman si Jax sakin at nasa likuran niya mga kaibigan niya

"Nag text ako sa'yo please check" Sabi nito tsaka nilapit ang mukha niya sa tenga ko "sabay tayong mag lunch mamaya" sabi nito tsaka hinalikan ang noo ko "aral ka ng mabuti" sabi pa niya

Tumango naman ako

"Ingat sa practice mamaya" sabi ko

"I will" sagot pa niya sa'kin

"Alis na kami may class pa kami" mahinang sabi ko

"Gusto mong hatid na kita?" Malambing ang tonong tanong niya

"No huwag na samahan mo nalang mga kaibigan mo" -ako

Tumango ulit siya at pinadaan ang isang daliri niya sa ilong ko.

"Ingat ka hindi mo suot contact lenses mo" -Jax

Imbes na ngiti ay ngiwi ang binigay ko sa kanya. Tumalikod na ako sa kanya at hinila ang dalawang kaibigan ko para makaalis na ng cafeteria.

Nang makalayo na kami sa cafeteria ay kinorner naman ako ng mga kaibigan ko.  Alam kong mangyayari 'to pero hindi ko inaasahan na ngayon na. Hindi ko kasi naisip na magiging ganoon si Jax kanina.

"Sabihin mo samin ano iyon?" Seryosong sabi ni Jessica

"Ah eh" Hindi ko talaga alam sasabihin ko sa kanila

"Magtapat ka nga samin, kayo ba ni Jax?" Sabi ni Fiona tsaka niya kinuha yung phone niya at may pinakita siyang picture sakin. Actually screen shot iyon. "Kaya ba pamilyar 'to dahil ikaw to?" Tanong pa niya.

Inayos ko ang salamin ko at tinignan yung screen shot niya. Napaawang naman bibig ko at napatingin sa kanya.

"Oh my God! Besh! ikaw nga!" Sabi pa ni Fiona.

Napayuko nalang ako at tumango.

"Sorry" nahihiyang bigkas ko

"Bakit ka nag so sorry? Omg! Congrats! Kinikilabutan ako" sabi ni Fiona

Niyakap naman ako ni Jessica na umiiyak na pala.

"Congrats! Pinapaubaya ko na sayo si Jax" Sabi nito na mangiyak ngiyak pero nakangiti

Nagyakapan naman kaming tatlo.

"Kailangan talaga natin mag celebrate ang daming nangyari sa araw na'to" Sabi pa ni Jessica

"True, at ako ang taya!" Masiglang sabi ni Fiona

Naglakad na kami ulit pabalik sa classroom. Nagtataka naman ako kung bakit iba ang tingin sakin o samin ng mga kaibigan ko.

Tumakbo si Angie palapit samin at pinakita ang phone niya na may picture nung hinalikan ako sa noo ni Jax pati yung kamay niyang nasa ilong ko.

Para namang gusto kong himatayin at mawala nalang sa mundo.

DESTINED TO BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon