SC4. Surprise Special Chapter

651 22 8
                                    

(August 7, 2021)

Happy 50k reads, Possessing Dr. Sigmund! 🥂👏🏻

At dahil happy ako sa achievement na ito ng PDS, and of course, dahil super thankful ako sa inyo, here's an special chapter for you, guys. I hope you would like it. Enjoy reading! 🖤

Third Person Omniscient ang ginamit kong point of view rito. Naghahanda ako, dahil itong POV rin na 'to ang gagamitin ko sa Taming Ize Legaspi.

⚜⚜⚜

Surprise Special Chapter

“IZE, my prince, he’s Henry. He will be the one who will take care of you while we’re away,” malambing na sambit ni Ivy sa anim na taong gulang na anak.

Inosenteng nagtaas ng tingin si Ize sa lalaking pinakilala ng mama niya. Ngayon niya lamang ito nakita, kaya naman hindi niya ito kilala. Wala siyang kaalam-alam na ang lalaking ito ay palihim na nagbabantay sa kanila magmula nang manirahan sila rito sa Magalay.

“Hi, Ize.” Iniluhod ng lalake ang isang tuhod sa sahig para magpantay silang dalawa, at saka ito tipid na ngumiti sa kaniya. “Just call me Henry. Do you wanna play with me?” kapagkuwa’y anito, habang nakapaskil pa rin ang isang ngiti sa mga labi nito.

“What kind of play?” tanong niya, habang deretsong nakatingin sa mga mata nito.

“It’s a surprise, but I’m sure you would enjoy it, like your mother did.”

Nag-angat siya ng tingin sa mama niya na seryosong nakatingin kay Henry, pero nang maramdamang nakatingin siya rito, mabilis itong ngumiti sa kaniya’t marahang hinaplos ang ulo niya.

“You can trust him, my prince,” kapagkuwa’y malambing pa rin ang boses na sambit nito.

Kaya ibinalik niya ang paningin sa lalake, at saka banayad na tumango rito, dahilan para lumawak ang ngiti nito sa mga labi. Na-ku-curious din naman siya sa kung ano’ng klaseng laro ba ang tinutukoy nito.

Hindi siya katulad ng ibang bata na mahilig sa paglalaro ng kung ano-ano. Mas ninanais pa ni Ize ang gumuhit sa kaniyang papel maghapon, ke’sa ang makihalubilo sa ibang tao.

Pero sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan, parang gusto niyang malaman kung ano’ng klaseng laro ba ang tinutukoy ng lalaking nasa harapan niya.

At isa pa’y pinagkakatiwalaan ito ng kaniyang mama. Ngayon niya lamang ito nakilala, pero alam niyang matagal na itong kilala ng mga magulang niya.

Makahulugan na nagtama ang paningin nina Ivy at Henry.

Ibinalik ni Ivy ang tingin sa anak, at saka siya matamis na ngumiti rito. “Ize, my prince, puntahan mo muna si Papa sa kitchen,” kapagkuwa’y malambing na utos niya sa anak.

“Okay po,” tipid naman na sagot nito, at saka na tumalikod at naglakad patungo sa kitchen. Pinanood niya ito, hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya.

Ibinalik niya ang paningin kay Henry na tumayo na mula sa pagkakaluhod ng isang tuhod sa sahig. “What are you planning to do?” seryosong tanong niya rito, kahit pa may idea naman na siya sa kung ano’ng pinaplano ng lalake.

“You don’t want your child to be weak, do you?” sa halip ay nakangising tanong nito, kaya sinamaan niya ng tingin ang lalake.

“Hindi ‘yan magugustuhan ni Sigmund; you already know that.”

“I know, I know. Pero naalala mo ba ang mga nangyari sa ‘yo noon dahil sa pagiging mahina mo? Hindi mo naman siguro gustong mangyari ‘yon sa anak mo.”

Possessing Dr. SigmundWhere stories live. Discover now