53. Mr. & Mrs. Legaspi

926 24 1
                                    

SPG! Enjoy reading. 😉
READ AT YOUR OWN RISK! 🔞

“I now pronounce you, husband and wife, you may now kiss the bride

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“I now pronounce you, husband and wife, you may now kiss the bride.”

Hindi niya mapigilang mapangiti habang mahigpit na hawak ang kamay ni Ivy. Nakaupo siya sa shotgun seat ng kotse, habang ito naman ay ang nagmamaneho. As usual, wala nanaman siyang idea kung sa’n siya dadalhin ng babae.

Pero kahit saan naman siya dalhin nito’y magiging masaya pa rin siya dahil ito ang kasama niya.

Kaaalis lang nila sa ginanap na maliit na salo-salo sa bahay ni Sin sa Crimson Wood kung sa’n rin ginanap ang kanilang Rooftop Wedding, na ang tanging kasama lang nila ay ang mayor ng Crimson Wood na siyang nagkasal sa kanila at hindi niya inaasahang Tito pala ni Ivy, si Sin na pinsan ni Ivy na siyang tinatawag palang darling ng baby niya, talagang nagulat siya at hindi niya inaasahan na pangalan pala nito ang Darling, kasama rin ang secretary nito na si Jethro, at siyempre hindi puwedeng mawala ang matalik niyang kaibigan na si Kristof.

Kaunti lang sila pero masaya siya, masaya siya dahil at least kahit paano’y may mga tao silang napagkakatiwalaan, lalo na sa sitwasyon nila ni Ivy, mahirap ang magtiwala, pero umaasa siyang hindi sila bibiguin ng mga taong ‘to.

They are now officially and legally Mister and Missis Legaspi, hindi nalang sa pekeng papel at pekeng pangalan, talagang kasal na sila ngayon at asawa niya na ang pilyang babaeng ito.

He’s so lucky, kahit na ang hilig siya nitong takutin; masasanay na lamang siya, dahil mukang ‘yun na ang hindi niya mababago sa babae.

Matagal ang naging byahe nila, kaya hindi niya na namalayang nakatulog na pala siya, dahil na rin sa pagod at antok, 4 am na rin kasi, nag-aalala na nga rin siya sa baby niya dahil kahit ito ay wala pa ring pahinga, pero mapilit ito’t inaya na siyang umalis dahil excited na raw ito sa honeymoon nila, kaya wala na siyang nagawa pa.

Nagising na lamang siya dahil sa marahang paghalik na nararamdaman niya sa leeg niya, at nang magmulat siya ng mga mata’y bumungad sa kanya ang nakangiting muka ni Ivy.

“Lunch time na, Baby,” malambing na saad nito sa kanya habang marahang hinahaplos ang muka niya, kaya agad siyang umayos ng upo at tumingin sa labas ng kotse. Nasa parking lot sila ng isang fine dining restaurant.

“Wala pa ba tayo sa pupuntahan natin?”

“Wala pa, 12 pm na kaya eat muna tayo ng lunch,” sagot nito, dahilan para mangunot ang nuo niya at saka mapatingin sa wrist watch niya, bago muling bumaling kay Ivy.

“It means 8 hours ka nang nag-da-drive? Sana ginising mo ‘ko,” nag-aalalang saad niya rito, saka pinakatitigan ang itsura nito; bakas na ang pagod sa itsura ng babae, pagod ito kahapon sa pag-aayos ng kasal nila tapos wala pa itong tulog, ano’ng klase siyang asawa at hinayaan niya lamang ang misis niya?

Possessing Dr. SigmundWhere stories live. Discover now