20. He's The Reason

1.2K 36 1
                                    

Nagising siya sa pagtunog ng kanyang cellphone, kaya pikit ang mga mata niya itong inabot sa bedside table

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagising siya sa pagtunog ng kanyang cellphone, kaya pikit ang mga mata niya itong inabot sa bedside table.

Nangunot ang nuo niya nang makitang unregistered number ang tumatawag.

"Hello?" bungad niya nang sagutin ang tawag.

"Okay, it's a deal." Biglang nagising ang diwa niya at mabilis na napaupo mula sa pagkakahiga nang marinig isang matining na boses. Hindi niya na ininda pa ang biglaang pagkahilo dahil sa biglaan niyang pagtayo.

Halatang gumagamit ito ng voice simulator. Pero bakit kailangan pang gumamit ng voice simulator gayong kilala niya naman na ito? Parang pang-bata ang tunog ng boses nito.

"Ivy..." mahinang usal niya sa pangalan nito.

"Yeah it's me, Baby. I love the agreement, I won't kill Andy, in exchange, you'll be mine. I love the idea, but I love you more hihi."

"Where is Andy?" sa halip ay seryosong tanong niya rito. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone dahil sa namumuong galit sa dibdib niya para sa kausap. Gusto niya itong sigawan at murahin dahil sa panggugulo nito sa buhay niya, pero hindi niya magawa, dahil hawak nito si Andy, natatakot siya na baka kung ano'ng gawin nito sa dalaga. Kaya pakikisamahan niya ito... sa ngayon.

"Don't worry 'bout her, Baby, medyo duguan lang siya pero hindi naman sapat 'yun para mamatay siya hihi," malambing nitong sagot kasunod ng paghagikgik, dahilan para mas dumagundong ang kaba sa dibdib niya.

"Ano'ng ginawa mo sa kanya?! Sinabi ko nang 'wag mo siyang sasaktan!" galit na sigaw niya rito.

"Why so mad? It's your fault okay, dahil palagi mo 'kong pinagseselos," mahinahong sagot nito, at nahihinuha niya ang malademonyong ngisi sa labi nito. "Look, Dr. Sigmund. I love you so much, and you're hurting me because of your too much care for this kid! Bawat latay sa katawan ng batang 'to ay kasalanan mo! Kaya 'wag mo 'kong masyadong pinagseselos mahal ko, dahil baka hindi ako makapagpigil at ilibing ko ng buhay ang napakagandang dilag 'to. Ciao!"

Mariin siyang napahilamos sa muka nang mapatid na ang linya.

'Kasalanan ko...'

Mapait siyang ngumisi. Kasalanan nga ba talaga niya? Pero nagmahal lang naman siya. Paanong naging kasalanan ang magmahal at magpahalaga?

'Naging kasalanan 'yun dahil sa presensiya ni Ivy. Itinuloy ko pa rin ang nararamdaman ko para kay Andy kahit na alam kong delikado para sa kanya. 'Yun ang kasalanan ko. I'm sorry, Andy...'

Paanong naging ganito ang buhay niya? Tahimik lang siya nuon na ang tanging pinahahalagahan ay ang trabaho niya. Tapos biglang sumulpot si Ivy sa buhay niya, na sinundan ni Andy. Pagkatapos nu'n ay hindi na muling natahimik pa ang buhay niya.

He's happy that Andy's came in his life, he's very much happy, pero bakit sa ganitong panahon pa sila kailangang magkakilala, bakit kung kailan may Ivy na gumugulo sa buhay niya?!

Possessing Dr. SigmundWhere stories live. Discover now