26. Andy

1.2K 38 22
                                    

(Kasabayan ‘to ng chapter 25

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

(Kasabayan ‘to ng chapter 25. Nu’ng bumalik si Dr. Sigmund sa bahay niya, sa hospital naman ng Crimson Wood nagtungo si Detective Hanson para bisitahin si Andy.)

Sapat na siguro ang anim na araw na pagpapahinga, pwede naman na siguro niyang makausap ngayon ang dalagang anak ng alkalde.

Nabalitaan niyang pwede na itong iuwi bukas dahil medyo naghilom na ang ilan sa mga sugat nito, kaya gusto niya nang makausap ito ngayon, dahil baka kapag nakauwi na ito mas mawalan siya ng tiyansang makausap ito.

Hindi nakikipagtulungan ang alkalde sa kanila, sinabi pa nga nito sa kanya na bahala na sila’t ‘wag na raw idamay ang mga ito, sapat na raw ritong makitang ligtas na ang anak nito.

Nakukuha niya ang point nito na ayaw nang madamay pa sa gulo, pero kahit na ano’ng gawin nito, damay at damay na ang mga ito rito. Hindi nila alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak ni Ivy. Ano ba ang pinaplano nito? Ito ang unang beses na may pinatakas itong biktima, ‘yun ang labis niyang pinagtataka, bago ito at labis siyang nagdududa sa susunod na gagawin nito.

Imposible talagang patakasin nalang nito ng ganu’n nalang si Andy, sigurado siyang may pinaplano itong gawin.

Naghihinala pa rin siya sa alkalde, pero hindi niya maasikaso dahil masyado siyang tutok sa paghahanap kay Ivy. Mas mahalagang ito ang pagtuunan niya ng panasin, dahil ito ang pinakamahalagang trabahong hinahawakan niya. Masyado nang maraming buhay ang nawala dahil sa babae, kinakailangan na itong mapigilan.

Kung dederetso siya sa kwarto ng dalaga, siguradong haharangin siya ng mga bantay nito at hindi hahayaang makapasok, kaya ang the best na paraan para makapasok sa kwarto ni Andy Santiago, ay ang mag-disguise bilang isang nurse.

At iisang tao lang ang makakatulong sa kanya. Mabuti nalang talaga’t may kapatid siyang nurse sa hospital na ‘to.

“Bakit ba palagi nalang ako ang tinatawagan niyo sa mga disguise-disguise na ‘to?!” rinig niyang bulong ng kapatid habang nag-aayos siya sa loob ng isang bakanteng pribadong kwarto.

Kunot nuo niyang nilingon ang kapatid. “Bakit? Bukod ba sa ‘kin may iba pang humingi ng tulong sa ‘yo?” kunot nuong tanong niya rito, pero imbis na sagutin, inirapan lang siya nito.

“Bagay pala sa ‘kin maging nurse,” nakangising saad niya habang pinapagpag ang suot na puting uniform, dahilan para muling mapairap ang kapatid.

“Oo na, tara na dahil oras na ng pag-inom ng gamot niya. Siguraduhin mo lang talaga, Kuya, na hindi ako madadamay dito ahh. [Tss, pareho kayong sperm ng Kristof na ‘yun.]”

“Ano ‘yun?” tanong niya nang hindi niya narinig ang huling sinabi nito habang palabas sila ng kwarto.

“Wala, sabi ko muka kang sperm tss.”

Napailing na lamang siya sa sinaad ng nakababatang kapatid.

Gaya ng inaasahan, mabilis lang silang nakapasok dahil sa kapatid niya. Nakasuot siya ng surgical mask dahil siguradong makikilala siya ng mga bantay.

Possessing Dr. Sigmundحيث تعيش القصص. اكتشف الآن