63: Walking Dead

776 20 0
                                    

“Ho-how come? You’re dead,” hindi makapaniwalang anas ng alkalde habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Ho-how come? You’re dead,” hindi makapaniwalang anas ng alkalde habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Mahigpit itong nakatali sa isang upuan dahilan para hindi ito makagalaw.

Nanunuya niyang nginisian ang kinikilalang tapat at maaasahang alkalde ng Harmony. I wanna puke, tss.

“Maybe I’m a walkin’ dead yeah?” Sinundan niya ‘yon ng nakalolokong tawa, dahilan para panlisikan siya ng mga mata ng alkalde.

“Nilinlang niyo kami! Ano nanaman ang binabalak niyong gawin ngayon?!” nang-gagalaiting sigaw nito sa kanya, pero nginisian niya lamang ito’t naupo sa malambot na sofa bitbit ang isang goblet na may lama’ng wine.

Nandito sila ngayon sa pag-aaring yate ni Ivy, hinihintay lang nila ito para masimulan na ang sinasabi nitong final round.

Yes, hindi talaga siya namatay, well, muntik na, pero mukang naging sapat ang naging samahan nilang dalawa ni Ivy para hindi siya nito magawang patayin.

“Kaya mo ba talaga akong patayin?” bakas ang sakit sa boses niya nang itanong ‘yon matapos siya nitong muling tutukan ng baril, habang ang mga mata niya’y biglang lumamlam habang nakatingin sa babaeng minahal niya ng mahabang panahon.

“Of course I can, I’m Ivy the famous psychopath killer of Crimson Wood after all,” nanlalaking matang sagot nito habang nakangisi, pero muli ay mapait na ngumiti na lamang siya.

“Then kill me now, pull the trigger and drag me in hell,” saad niya, dahilan para saglit itong matigilan, pero mabilis ring nanlisik ang mga mata’t nginisian siya.

“As you wish,” nakangising saad nito, kasabay ng pagkalabit nito sa gatilyo ng baril. Hindi niya inalis ang paningin sa babae, ni hindi siya kumurap, para kahit sa huling hininga niya’y ang muka nito ang huling makita niya.

Pero sa halip na makaramdam ng sakit dahil sa pagtama ng baril sa katawan niya, wala siyang naramdaman, nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa muka ni Ivy, in-i-imagine ang orihinal nitong muka.

Ibinaba ng babae ang pagkakatutok ng baril sa kanya’t namamasa ang mga matang umiwas ng tingin.

‘She can’t kill me.’ Tipid siyang napangiti dahil sa katotohanang ‘yon.

“Why did you still betrayed me, Henry?” malamlam ang mga matang tumingin ito sa kanya. “You know I can’t love you the way you want. Did you know how it’s hurt? Sa impyernong mundong ‘to, ikaw nalang ang tanging pinagkakatiwalaan ko! Why choose to betray me huh? Why? Why, Henry?!”

Siya naman ang nag-iwas ng tingin dahil nasasaktan siya sa nakikitang itsura ngayon ni Ivy.

Mahal niya ito, unang kita niya pa lamang dito noon ay nagawa na nitong kunin agad ang loob niya, hanggang sa nagawa niya na itong mahalin, kaya nga tinulungan niya ito at nagawa niyang ipagpalit ang pamilya niya at ang propesyong pinaghirapan niya ng ilang taon para rito, dahil mahal niya ito, mahal na mahal.

Possessing Dr. SigmundWhere stories live. Discover now