Stapler

38 2 0
                                    

"Ms. Mon, pinabibigay ni Attorney James. Lunch mo daw." Sabi ni Eda pagpasok sa office ko.

"Thank you, Edgara! Asan na siya ngayon?" Tumayo ako para mahalikan si Eda.

"Umuwi saglit, hinatid niya sa bahay nila yung Bayabas na hinog. Kumain ka na may meeting pa tayo mamaya." Sabi ni Eda.

Mag-iisang linggo na rin ako dito sa Pilipinas at sa companiya na pina-mamahalaan ni Ethan. Pagdating ko galing Canada sinabi kaagad ni lola kay Ethan na gusto niya akong mag-trabaho sa companiya namin dahil matagal niya naman na akong pinapauwi at sa companiya namin magtrabaho, dahil may pwesto na raw akong uupuan.

Halos apat na taon rin akong nasa Canada, sinamahan ko si Ate Tessa na ayusin ang companiya nila Lolo Jones at Lola Luzenda. Hindi na nila inasahan si kuya Jacob dahil puro injections lang daw ang alam niyang asikasuhin.

"Eh, ikaw? kumain ka na?" Tanong ko kay Eda.

"Oo naman, ako pa! excited kaya akong masilayan ko ulit ang kagwapohan ng Ethan ko!" Madramang sabi ni Eda.

Tinawanan ko lang siya at nagpasalamat kay God sa pagkain ko bago kumain. Ilang taon na ang nakakalipas, baliw parin talaga si Eda sa pinsan kung si Ethan.

Dito namasukan si Eda para daw masilayan niya lagi si Ethan. Si Jai naman mas pinili niya nalang maging fulltime Vloger. Si Micah nagtratrabaho siya sa companiya nila. Annie didn't work, ayaw ni Jadin.

Excuse me po mga ma'am, the meeting will be started in ten minutes." Kumatok muna ang secretary ni Ethan bago pumasok at sinabi samin yun.

"Okay, we will be there. Thank you." Sabi ko bago siya lumabas.

"Ano sis!? tapos ka na ba? tara na!" Natatarantang sabi ni Eda.

"Saglit nga Eda, mag-aayus muna ako! di pa ako nagtotooth brush eh, patext nalang si James na pumunta na dito." Sabi ko at pumasok na sa sarili kung restroom.

Nag-ayus ako ng sarili ko. Bago ako lumabas at inaya si Eda na punta na kami. Ang bruha! parang naiihi sa excited!

"Sorry, we're late." Bungad ko dahil halos lahat ata ay nandito na!

"Kabago-bago, late." Pang-aasar ni Onur sa akin.

"Shut up, Onur!" Singhal ko sa kaniya bago umupo sa tabi niya.

Umupo si Eda, malapit kay Ethan. Iginala ko ang paningin ko at tinignan kung sino ang mga kasama sa meeting na ito.

Bigla akong kinabahan, dahil magkatabi ang dalawang Engineer, Engineer Tim Castle and Engineer Raowaqin Rios! Mariella relax, okay? relax. Wala kang kasalanan. Act normal. Sino ba siya? Dating manliligaw mo lang naman siya ah? Pero infernes, gwapo parin sya ah.

Napabaling ako sa nagbukas na pintuan at nilabas niya dun si James na mukang haggard sa paghahabol, kahit na haggard gwapo pa rin naman. Pero mas gwapo nga lang yung isa, charrre.

"Sorry, I'm late." Bungad niya.

Humalik muna siya sa pisnge ko bago sa tabi ko.

"Late ka." Bulong ko sa kaniya.

"Oo, ang paglilihi ni Jess umarangkada." Bulong niya rin sa akin.

Natatawa ko lamang siyang sinipat.

"Kumain ka na ng lunch?" Bulong niya ulit.

"Oo, salamat sa palunch mo, attorney." Sagot kong nakangiti.

"Ehem, shall we start the meeting?" Napabaling kami sa harap ng nagsalita si Ethan.

Nagulat ako kasi halos lahat ay nakatingin sa amin, pati na si Rao!

"Yeah, sorry." Sabi ko nalang at sinipat ulit si James para tumigil na.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now