Magkasundo?

43 3 0
                                    

"Ahhh sis, ganda mo talaga!" Sabi ni Jai.

Nandito kami ngayon sa Restaurant ko, sa Sison branch. Magmula ng umuwi ako first time naming nabuong limang magkakaibigan.

"Ano naman ikinaganda niya dun!?" Tanong ni Eda.

Naikwento niya kasi ang nangyare kahapon sa companiya.

"Pagiging kabet!" Sabi ni Micah at tumawa ng malakas.

"Excuse me! I'm not a kabet!" Inis na sabi ko.

Tumawa lang silang malakas pati si Annie nakisama na rin sa tawa nila.

"Natatawa ako kasi! sa lahat ng kwento ni Eda pfffHAHA talaga lang Marie! ka-holdinghands mo si James? eh may asawa na yun!" Sabi ni Micah at tumawa ulit ng malakas.

"I'm not a kabet!" Pang-gagaya ni Eda sa akin. Nagtawanan ulit silang apat.

"Buti, payag si Jessica na ganyan niyo tratohin ang isa't isa ni James." Annie.

"Oo." Sagot ko.

"Buti di siya nagseselos, eh pag kayong tatlo ang magkakasama parang ang mag-kasintahan ay ikaw at si James!" Natatawang sabi ni Eda.

"Alam niyo!?" Panimula ko.

"Hindi pa." Natatawang sagot nila sa akin.

"Kumain nalang kayo! at manahimik!" Inis na sabi ko.

"Oo naman! kakain talaga kami, kasi libre! pero hindi mananahimik." Natatawang sabi ni Eda at sumubo ng karne.

"Mabilaukan ka sana." Bulong ko.

Umubo si Micah kaya napabaling ako sa kaniya.

"Grabe ka manumpa sis! sakin napunta hindi kay Eda." Sabi ni Micah.

Tinawanan lamang namin siya ni Eda. Sumunod namang umubo si Jai kaya bumaling ako sa kaniya.

"Close na kayo, bakit may costumer ka parin?" Sabi ni Jai pagkatapos uminom ng tubig.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napabaling ako sa main door kung nasaan ang mga lalaking tinutukoy ni Jai na costumer.

Tumayo ako upang puntahan ang mga lalaking nasa pinto, sumunod naman ang apat sa akin.

"Hoy! ano yan? mga kabet mo!" Malakas na sabi ni Eda kaya nahiya akong bigla sa mga lalake.

"Shut up, Eda!" Singhal ko.

"Excuse me! I'm not a kabet!" Sabi ni Micah na napalakas rin habang natatawa.

"Schedule ba ngayon ng mga kabet mo na bisitahin ka dito?" Natatawang sabi naman ni Jai.

"Wala akong kabet! kaya shut up!" Sabi ko at unti-unting binukasan ang pinto.

"Wala kang kabet kasi ikaw ang kabet!" Malakas na sabi ng mga kaibigan ko.

"Sinong kabet?" Kunot noong tanong ni Teo na bumungad sa amin.

Napapikit ako, sa inis.

Lumapit si Teo kay Micah para mahalikan. Si Jadin naman ay lumapit kay Annie.

"Eh ako, sir Ethan walang kiss?" Sabi ni Eda at nginuso pa ang bibig.

Tinawanan lang namin siya dahil dinaanan lamang siya ni Ethan.

"Okay lang yan Eda, ako nalang hahalik sayo." Natatawang sabi ni Onur.

"Onur." Tawag ni Ethan sa kapatid niya.

"Yes, kuya?" Onur.

"Mag-order ka na." Sabi ni Ethan.

"What!? anong order?" Bulalas ko.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now