Chapter Three
Phoebe's P.O.V
"O-M DON'T TELL me you have a crush doon sa David na 'yon?" ani Haven habang nagawa kami ng project sa bahay nila. Umiling naman agad ako.
"Hindi naman agad, ilang linggo ko pa lang kakilala eh." sagot ko sa kaniya saka muling umiling.
"Eh ikaw crush ka niya?" natatawang aniya.
"Nako crush crush na agad ang pinag-uusapan ninyo. Tapusin niyo muna yan," saway sa amin ni Ate Rhizza, anak ng yaya ni Haven.
"Ikaw Ate Rhizza may crush ka na no?" nanunuksong sabi ko.
"Nasa tamang edad naman na ako para doon pero kayo twelve pa lang kayo baka nga natuto pa lang kayong magsaing eh," natatawang sabi niya.
"Ilang taon ka na ba ate?" tanong ni Haven.
"Disi-otso na," sagot nito.
"Edi puwede ka na ngang mag-boyfriend," ani Haven.
"Bakit eighteen lang ba ang puwedeng mag-boyfriend?" tanong ko naman. Sa pamilya kasi namin marami ang maagang nagkaroon ng karelasyon, iyong iba nga ay bago pa tumuntong ng bente anyos ay naikasal na.
"Yes, sabi ni Tita Julia." sagot naman niya.
"Sa'yo lang yon Haven," tinawanan ko pa siya.
Nang matapos ang project namin, hinatid ako pauwi ni Haven kasama ang driver nila. Nadatnan ko naman si Mama na namamalantsa.
"Oh anak, may pumunta dito kanina kakilala mo daw." bungad ni Mama sa akin. "Yan oh nag-iwan pa ng popcorn diyan," tinuro niya ang popcorn na nasa lamesa.
"Babae po?" tanong ko habang hinuhubad ang sapatos.
"Lalaki, kaya nga nagtaka ako. Hindi ko kilala ang batang iyon." sabi pa ni Mama habang inaayos ang damit.
Lumapit ako sa lamesa at kinuha ang popcorn na may nag-iwan daw na lalaki. May papel na nakadikit sa paperbag na pinaglalagyan ng popcorn.
Hi Hatulan, napadaan ako sa tindahan nito tapos walang nakapila kaya naisip kong bilhan ka. Pambawi!
-David
"Ah si David Ma, kaibigan ko." bumaling ako kay Mama.
"Kaibigan mo yun? Mukhang mas matanda sa'yo ah." ani Mama habang hinahagod ng plantsa ang blouse ko.
"Ah oo Ma, third year na yun eh." sagot ko naman saka pumasok sa kuwarto namin at doon kinain ang popcorn.
Kinabukasan, ipinrisinta namin ni Haven ang joint project namin at mukhang nagustuhan naman ng guro namin yon. Noong recess naman ay hindi ko nahila si Haven sa canteen dahil nag-aaral sila ni George dahil lalaban sila sa math quiz bee, by pair at sila ang napili kaya naman si Keifer ang nakasama kong bumili.
BINABASA MO ANG
Epiphany (Fetchy Series #2)
RomanceJAKE KIM, the oldest member of the Korean-Filipino group Fetchy. Once in love with his childhood friend but didn't get reciprocated, from then he never had a woman in his life. While PHOEBE HATULAN, a public school teacher who's jolly but deeply wou...