Chapter Five

23 7 0
                                    

Chapter Five

Phoebe's P.O.V

ILANG ARAW AKONG hindi pinatulog ng mga sinabi ni David. Natatakot ako baka magalit si Papa at si Kuya Raf, gano'n na rin si Mama.

"Loko ba siya? Ang bata mo pa," sabi ni Haven habang pauwi kami. Nagdesisyon akong sumabay sa kaniya para maiwasan si David dahil nalilito pa ako.

"Eh anong gagawin ko yun ang sabi niya!Aah..anong oras na ba?" tumingin ako sa orasan ni Haven. "Ala una na?"

"Yeah, well cleaners tayo ngayon." ngumuso siya.

"Oo nga pala, Tuesday ngayon." bumuntong hininga ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali habang nasa daan kami. Wala naman akong tinatago kay Mama at Papa, hindi ko naman tinago hindi ko nga lang sinabi.

"Oh anak nandiyan na pala kayo," nagkatinginan kami ni Haven nang makita kung sino ang nakaupo sa cleaopatra ni Mama. "Kanina pa yan nandito, may sasabihin daw sa akin pero hinintay ka pa." napalunok ako sa sinabi ni Mama.

"Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot na sabi ko.

"Magpapaalam ako sa Mama mo," bulong niya sa akin saka ngumiti.

"What do you mean by that?" bulong din ni Haven kay David.

"Diba sabi ko liligawan ko yung bestfriend mo? Kaya magpapaalam muna ako." pagsagot ni David sa tanong ni Haven.

"What? You're actually gonna do that? She is just thirteen years old!" para silang ewan na nagbubulungan, hinihinaan ng boses para hindi marinig ni Mama habang naghahain ito.

"Kumain na kayo, hijo sabayan mo na kami." naupo kami sa hapagkainan. Kabado akong napatingin kay Mama at Haven.

"Tita may-"

"Ma..masarap daw yung ulam Ma," pinutol ko ang sasabihin ni David.

"Ang sabi niya ay 'may' hindi ma," nalilitong sabi ni Mama habang nakatabingi ang ulo.

"Oo Ma, palabiro kasi yan diba Haven?" kunwari kaming tumawa. Kinulbit ko pa si Haven para segundahan ang sinabi ko.

"That's right Tita HAHA ginagaya niya kasi akong magsalita," pagsisinungaling ni Haven. "You know sometimes may slang...maysarap HAHHAAH." inartehan ng kaibigan ko ang pagsasalita at natawa naman si Mama.

"Hindi yun ang sasabihin ko Tita," nakapagpalusot na kami't lahat pero nagpatuloy pa rin siya.

"Ano ba yun hijo? May kailangan ka ba?" tanong ni Mama sa kaniya.

"Ano po..tita kasi-"

"Tita gusto pa ata niya ng dessert," si Haven naman ang pumutol sa sasabihin nito.

"Dessert? Wala kaming panghimagas hijo," nahihiyang sabi ni Mama.

"Hindi ho, hindi rin po yun. Gusto ko pong li-"

Epiphany (Fetchy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon