Chapter Twenty Five

4 3 0
                                    

Chapter Twenty Five

Phoebe's P.O.V

SABAY-SABAY NA dumating sina Tito Reynaldo, Tita Sydney, ang kambal, at kasama rin nila si Lola Corsita. Mababatid ang kagustuhan ni Tita na hindi magpunta rito habang si Natasha ay wala pa man, lumuluha na. Niyakap ako ni Lola at saglit na kinamusta.

"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Dumiretso na tayo sa usapan. Hija, Natasha. Paano kayong nagkaroon ng ugnayan ni David?" mahinahon na sabi ni Mama. Lumingon si Natasha sa akin habang patuloy pa ring lumuluha.

"Tita..." iyon ang unang nasabi ni Natasha habang ang kaniyang pamilya ay nakikinig lang, seryoso at walang mga reaksyon. "Ano po kasi...may common friend kami tapos nag-imbita sa party. Nalasing kami tapos iyon na po, ano, pagkagising namin may nangyari na." tumungo siya, nilingon ako ni Tito Rey na para bang inaabangan ang reaksyon ko kaya pinanatili ko ang poker face ko.

"Hindi namin sinabi ni David na may nangyari sa amin kasi...magagalit si Phoebe. Siya ang mahal ni David. Mahal na mahal siya ni David." napaluha ako nang idugsong iyon ni Natasha. "Di rin namin inaasahang may mabubuo kaya tinago na lang namin, hanggang iyon nalaman ko na nga na buntis ako. Nilihim namin kasi ayaw niyang masira kayo...kaso.." humagulgol na siya ng pag-iyak kaya niyakap siya ng nanay niya. Tumutulo na rin ang luha ko ngunit walang reaksyon sa nangyayari.

"Ronaldo, Pearl...please sa susunod na lang natin itong-" ani Tita Sydney ngunit umiling si Mama.

"Magpatuloy ka na Natasha." utos ni Mama kaya natakot siya at muling nagsalita.

"Kaso noong madalas kaming magkita ni David para kay Mark, sa naging bunga ng kalasingan namin...nahulog na ang loob ko sa kaniya." Natasha turned to me as if she's apologizing for it, I exchanged glares with her while crying. "I'm sorry Phoebe for pushing him to cheat on you for the second time. He...he doesn't want me. He's just fond of his child. Kaso inakit ko siya. Sinadya kong makipagkita sa kaniya para makipag-sex. Sinadya ko ring may mabuo para tuluyan ka na niyang hiwalayan but he...he can't. He can't leave you even we had two kids already. I'm sorry. I'm sorry for all what I've done."

"Ikaw ang nagbigay ng motibo? Natasha...sa sariling pinsan mo pa nagawa iyon?" pasigaw na usal ni Kuya Rafael matapos magsalita ni Natasha. Galit na galit siya nang malaman ang nangyari.

"Rafael, huwag mo ngang sigawan ang pinsan mo." saway ni Tito Reynaldo kay Kuya.

"Tch. Iyan, ganiyan. Lagi niyo kasing pinapaburan kaya nagkaganyan ang anak ninyo." astang tatayo si Tito Reynaldo nang pigilan siya ng kaniyang asawa. Kuya, on the other hand, was ready to wrestle if I hadn't stopped him.

"Mahal mo ba siya?" nabigla silang lahat nang itanong ko iyon matapos muling kumalma ang atmospera. "Natasha...mahal mo ba talaga siya?"

"Bakit mo ba tinatanong 'yan Phoebe?" ani Martha ngunit hindi ko siya pinakinggan.

"Sabihin mo sa akin kung hindi lang dala ng pagkakaroon ng anak niyo ang nararamdaman mo sa kaniya...please Natasha answer me..mahal mo ba si David?" muling tanong ko, begging for her answer. She silently said yes while nodding. Napahawak sa ulo si Tito.

"Mahal ko siya Phoebe pero ayokong sirain kayo." napataas ako ng kilay at sarkastikong ngumiti. Was that a joke? No intention to destroy us? "May anak kami..nabuntis niya ako ulit pero alam ko- Alam kong ikaw pa rin ang mahal niya Phoebe kaya lalayo na lang kami."

"Yes Phoebe, we're planning to migrate abroad and bring the kids with us. We'll cut off ties with that bastard and you can be happy ag-" pinutol ng sabay na nanunuyang tawa namin ni Kuya Raf ang sinasabi ni Martha. Tumitig sila sa aming dalawa.

Epiphany (Fetchy Series #2)Where stories live. Discover now