Chapter Eighteen
Phoebe's P.O.V
"HOY SERYOSO KA? 'Wag mo nga akong ginu-good time." usal ko nang magsend ng picture si Haven habang magka-video call kami. Magkasama sila ni Vernon sa picture!
"It's true nga! Buti na lang George like that shoes kung hindi, hindi ko nakita sina Vernon!" tuwang-tuwang sabi pa niya. "Tapos ganito nangyari, nag-uyuhan pa kami kung sino ang magpaparaya dun sa sapatos tapos hanggang sa binyaran niya at hinayaan nalang basta...sinigaw ko pangalan niya tapos hinila niya ako doon sa café sa loob ng mall!"
"Oh tapos, tapos?" maski ako kinikilig kahit sa kuwento niya lang.
"Binayaran ko siya tapos konting usap ganern tapos hiningi ko na rin 'yung autograph!" ipinakita niya sa'kin ang poster na mukhang kabibili lang na may pirma talaga. "Syempre tig-isa tayo! Tapos maya-maya dumating si Shawn! Parang mahihimatay-"
"Paano yung himatay?" sumimangot siya kaya natawa ako. Patuloy lang kaming nag-usap tungkol sa happenings sa pag-stay niya sa Korea hanggang sa magsawa na kami sa mukha ng isa't isa at nagdesisyong i-end na ang call.
Wala naman akong gagawing iba kaya nung hapon tumulong na lang ako kay Mama sa paghahanda ng kaunting pagkaing ihahain mamayang Noche Buena.
"Oh Mahal?" sabi ko nang sagutin ang tawag ni David habang pinakukuluan ko ang manok.
"Mahal ano, baka hindi ako makarating mamaya para diyan mag-celebrate." hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, disappointed ako pero hindi na na-surpresa dahil nung mga nakaraan madalas na naka-cancel ang mga pagkikita namin. "Phoebe bakit hindi ka nakibo?"
"Ha? Ano ayos lang. Naiintindihan ko, dapat naman talaga diyan ka mag-celebrate sa bahay niyo kasama sina Tita." nakangiting sabi ko pa.
"Mm, oo, sige magsend na lang ako ng text sa'yo kung kailan ako pupunta ha." aniya at tumango ako kahit hindi niya nakikita. Basta na lang niyang pinatay ang tawag, wala man lang sorry, I love you o bye man lang. May problema kaya siya?
Maya-maya lang ay nakaluto na kami ni Mama, mag-aalas-siyete na ata nang makatapos kami.
"Nasaan na ba 'yang Kuya mo, oo, kung kailang bisperas tsaka gagala." napakamot si Mama sa ulo at tiyempo namang dumating na si Kuya. Aba may kasama!
"Oh? Rafael, pasok ka hija.." si Papa ang tuluyang nagpapasok kina Kuya.
Nakagat ko ang labi ko nang makita ang mukha ng kapatid, sa tapang at pagiging balasubas nito ngayon ko lang nakitang ganito. Parang nahihiya na kinakabahan, paniguradong girlfriend niya ito pero buntis kaya? Bakit ngayon lang niya dinala dito?
"Magandang gabi po, uhh, Tito? Tita? I'm Stacey Vinzon po." halatang kabado ang kasama ni Kuya.
"Mm, magandang gabi rin sa iyo hija. Ngayon lang kita nakita pero siguradong ikaw ang laging kinukwento ng anak ko." ani Mama kaya napangiti siya, maganda at mukhang matalino din.
"Pa," nagtaas ng kilay si Papa kunwaring nagsusungit kay Kuya. "Girlfriend ko po, ang totoo niyan ilang taon na po kami pero kinailangan itago kasi gawa ng mga magulang niya."
"Naiintindihan namin, nasabi niyo na ba sa magulang mo?" tanong ni Mama.
"Opo, actually po kahapon lang din po." sagot naman ni Ate Stacey.
BINABASA MO ANG
Epiphany (Fetchy Series #2)
RomanceJAKE KIM, the oldest member of the Korean-Filipino group Fetchy. Once in love with his childhood friend but didn't get reciprocated, from then he never had a woman in his life. While PHOEBE HATULAN, a public school teacher who's jolly but deeply wou...