Chapter Thirty-Nine: Fall

15 1 0
                                    

Chapter Thirty-Nine: Fall

*^*^*^*^*^*^*

"Si ate Fall?" Tanong ni Midess...

Fall? Sinong Fall? And Fall like autumn?

"Oo si Fall or kahit sinong pinsan." -Charlotte.

"May iba silang pinsan? Bukod sainyo?" Tanong ni Kiel kay Charlotte.

I remember Fall... Dinala siya dati ni Annessa sa bahay at may itinuro sakanya, almost same age as Charlotte siya, matanda lang ng konti. 

"So how do we get her here?" tanong pa ni Kiel kasabay ng pagtayo niya mula sa gilid ng kama.

"Tatawagan natin. Siya ang pupunta dito." Seryoso? Papunta sa Vexi? 

"We'll be calling her if Annessa doesn't wake up right?" -Saff. Tumango si Charlotte.

****

Nagkasundo kaming lahat na babantayan namin si Annessa at magpapalit-palit nalang, si Charlotte at Midess ngayon ang nasa kwarto niya at tatawagan na rin yata nila si Fall. 

Habang si Kiel ay pinaalis na namin. 'di pa nga siya dapat aalis, kaso papalitan daw nila ng damit si Annessa kaya napilitan siya.

"Psst!" -?

Nilingon ko ang pinanggalingan ng paswit, it was on my left side and up.

"Kiel? Ano problema mo?" Tanong ko nang mapagtanto ko kung sino ang tumawag ng pansin ko.

"Bakit ba hindi na ko pwedeng pumasok?" Tanong nito, natawa ako sa tinanong niya.

Napagtripan kasi namin siya, ayaw niya kasing umalis, kaya pinilit namin at sinabi namin na di na siya pwedeng lumapit.

"Wala lang, gusto lang namin," sabi ko sakanya, nalukot ang mukha niya at nag-frown, "Tell you this, pag nakumbinsi mo si Charlotte at Saff, papayagan ka nilang bantayan mo si Annessa."

Nagliwanag ang itsura niya at mabilis akong iniwan. 

Ang pag-alis niya ay siyang naging pagdating ni Rias sa terrace kung saan ako nag-stay.

"Ano na Vel? Aabot pa ba si Annessa?"

"Nag-iintay na kami, malapit nang lumagpas ang six hours niya, so tatawagan na nila Midess yung pinsan nila na makakatulong sakanya." Sagot ko, tumango-tango si Rias at napa-"ahh.."

"Sana magising na siya within 24 hours, I'm sure she wouldn't want to miss the start of the party."

Natawa ako, tama siya, hindi papayag si Annessa na ganon ang mangyari.

"Vellaine!!" Narinig ko ang boses ni Scarlet sa likod ng pintuan ng terrace, "Vellaine!!" Sigaw ulit niya.

*Sigh* bakit kaya ako hinahanap nito?

Bumukas ang pintuan at pinakita si Scarlet na hinihingal na, "Kailangan tayo don, may ipapagawa saatin sila Saff." Sabi niya.

Nagpaalam kaming dalawa kay Rias at pumunta kami sa kwarto ni Annessa.

From 6 or 7 hours ago, her room turned into a meeting room.

Well tinitingnan namin ang mga vitals niya every so often, bilin na din ng pinsan nila. Actually, hindi namin sure kung si Fall nga ang pupunta or ang iba pa niyang pinsan, dahil iba ang tinawagan ni Midess, dahil wala siyang contact ni Fall at sa eldest cousin lang niya, pero busy daw yung eldest, titingnan kung makakarating siya, or kung si Fall yung darating.

"Queens, kailangan natin i-prepare yung nasa list na binigay ni Fall," Sabi ni Charlotte at tiningnan yung nakalagay sa hawak niyang listahan, "...Which is a full coarse meal...?" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Last VoughWhere stories live. Discover now