Chapter Twenty: Shrinking

75 1 1
                                    

Chapter Twenty: Shrinking

*^*^*^*^*^*^*

Vellaine

"What a rip-off." Sabi ni Saff pagkababa sa van.

"Kaya nga! Ebe ang deal lahat tayo eh!" Pagsangayon ni Scarlet na kasunod lang din ni Annessa na bumaba.

Lahat ng bumaba ng van ganoon ang sinabi, si Jearleane lang ang naiba dahil siya ay tumahimik lang.

"Hayaan niyo na, para namang payag tayo na dito nalang mag-stay." Sabi ni Wendy. Tama siya, pagpunta nga sa ibang planeta di napigilan ng S.Q. sa palasyo pa kaya na malapit lang.

"Well iba parin yung feeling na hindi ka invited. Mas masaya." Sabi ni Annessa at nag-chuckle, "Besides, I have a new plan!"

Siya ang naging focus ng atensyon namin.

"Okay what's your plan?" Tanong ni Charlotte.

Ngumiti si Annessa at umiling, "Mamaya hihihihi." Sabi niya at unti-unting nawala. I must say na mas naging creepy siya sa mga kapangyarihan na hawak niya. 

"Feeling ko hindi maganda yung plano na naisip ni Annessa." Sabi ni Charlotte.

Either way naman gumagana yung plano niya, kahit na minsan nakamamatay.

Umalis ako sa sala at nagpunta sa kitchen.

Nakita ko yung Rogue at yung mga knights na may meeting rin. Nakapalibot sila sa table.

Teka... Si Annessa ba 'yon?

Tiningnan ko'ng mabuti yung babae na pinakikinggan nila. Though natatabingan nila, rinig mo yung boses niya.

Si Annessa nga. So kaming lahat ay sangkot sa plano na idea niya. Hiling ko lang, sana hindi masyadong absurd ang plano niya.

Tinaas ni Annessa ang ulo niya, kaya nakita niya ko at ngumiti. I rolled my eyes at her.

Kinuha ko na yung kukuhanin ko at umakyat sa taas. Para kay Theodore lang naman yung kinuha ko sa kitchen.

Oh right, donor nga pala si Annessa ni Theodore...

Hmmm... Should I...

Nah. Ayokong pekein kabaitan ko.

****

"Mga bata labas!"

Napa-dilat agad ako. Is she shouting at us through telepathy? What the hell?

"Annessa! What the hell is your problem?! It's f***ing 2 AM!" sigaw ni Saff mula sa kwarto na tinulugan niya, sa tabi ng kwarto ko.

"Love you Akuma~" Rinig kong sabi ni Annessa.

"Out!" Sigaw ni Saff sabay atras ni Annessa sa isang side. Kasabay ng pagpunta niya sa side ay ang pagtama ng isang kunai sa wall na kinalalagyan niya kanina.

Saff just threw a kunai at Annessa.

Binaling ni Annessa ang tingin niya saakin, "V oh. Kawawa naman ako."

"Serves you right." Sabi ko at tinalikuran siya.

"Wait V! Don't go!" sabi niya at hinitak ako. Then nag-teleport siya kaagad.

Pinagmasdan ko ang paligid, kung ano-ano ang nakalagay sa room na 'to.

"Soooooo," simula niya, "Welcome to my lab." Sabi niya at ngumiti ng malawak.

The Last VoughDonde viven las historias. Descúbrelo ahora