Chapter 15: Is the Demon Back?

353K 9.9K 1.9K
                                    

Chapter 15: Is the Demon Back?

Arkray's POV

"Pirate..." anas ko habang nakaupo sa swing sa may garden. Nakatingala ako sa langit na wala man lang ni isang bituin. Mukhang uulan pa ata.

How gloomy...

Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Rogue almost hit me. What's wrong with him? Bakit bigla na lang siyang nagkaganun kanina?

Kumusta na rin kaya siya? Injured pa naman 'yung kamay niya. Suntukin ba naman kasi 'yung pader eh. -_-

Papasok kaya siya bukas? I wanna talk to him. Sana naman hindi siya galit sa akin. I can't afford that!

Bakit pa kasi nangyari 'to eh?

Tss. Si Hugo kasi eh!

Anyway, speaking of him, medyo maayos naman na ang lagay nito. Though kailangan pa niyang magstay sa hospital for three days. Medyo napuruhan kasi ni Rogue.

Tsk. 'Yan kasi! Masyadong nagpaniwala agad sa tsismis. Tapos susugod-sugod without clarifying things first.

Then, nagkalinawan na rin kami kanina kaya nalaman ko kung ano ang dahilan kung bakit sinugod niya si Rogue. Hindi ko naman siya masisi. He just cares for me.

I also told him what really happened last Friday sa Mini Forest. I did tell him that Rogue just saved me.

Nagsorry naman agad ito matapos marinig ang sinabi ko. Sinabi pa nitong magso-sorry rin kay Rogue 'pag nagkita sila.

Sana naman maayos na agad ito.

"Arkray, ano pang ginagawa mo diyan? Hindi ka pa ba diyan nilalamok?" sabi ni Mommy. Hindi ko namalayan ang paglapit nito.

"Nah," tipid kong sagot.

"Kanina ko pa napapansin na matamlay ka. May problema ba?"

Umiling ako. "Pagod lang siguro ako Mom. Ang dami kasing activities kanina sa school eh," pagsisinungaling ko.

"Are you sure?" tanong nito. Halatang hindi kumbinsido.

"Yep! Sure!" Pilit kong pinasigla ang boses ko at ngumiti.

"Ganun ba. Tara pumasok na tayo. Magpahinga ka na sa loob," sabi nito.

Hindi ko na nagawang tumanggi.

*

Nakahiga ako habang hawak at pinagmamasdan ang mansanas na binigay sa 'kin ni Rogue kanina. Hindi ko maalis sa isip ko si Rogue at 'yung nangyari. Iniisip ko ang mga posibleng mangyari. At hanggang sa makatulog ako ay dala ko pa rin ang mga isiping 'yun sa isipan ko.

***

Rogue's POV

"Damn sh*t!" sigaw ko at binato ang bote ng alak nang bumalik na naman sa isipan ko ang nangyari kanina.

Could he be Arkray's boyfriend?! D*mn! I can't take that possibility!

Alalang-alala ko pa kanina kung paano mag-alala dun si Arkray. Halos magkayakap pa sila habang inaalalayan niya ito.

Hindi ko kinaya ang senaryo sa harapan ko kaya sumugod ako at binugbog 'yung lalaki.Wala na akong pakialam sa paligid. My temper already ate me.

I'd like to kill that guy!

Arkray is only mine!

Sh*t!

Napasabunot ako sa buhok ko.

I almost hit her and it's too late when I realized what I had done!

D*mn it!!!

May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya? Hindi kaya natakot na rin siya sa akin at iwasan na rin niya ako?

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now