Chapter 40: Decided by Death

331K 6.6K 6.9K
                                    

NWTD 40: Decided by Death

Rogue's POV

"Wala kang ebidensya sa binibintang mo sa akin, Arkand," seryosong sabi ko.

"I have," maikling sagot nito.

Anong ebidensya ang maaring maging hawak nito? Wala akong maisip. Tss.

Para namang nabasa nito ang nasa isip ko.

"Ba't hindi mo tanungin si Sofia--- I mean Reagan kung ano ang ebidensyang binigay niya sa amin?"

Amin?

So hindi lang si Arkand ang may alam?

Naikuyom ko ang kamao ko.

Hindi ko alam ang mangyayari kung malaman ni Arkray ang tungkol dito. Ayokong magalit at kamuhian ako nito!

"Hindi mo na nga pala magagawang komprontahin ang Ate mo dahil papatayin na kita rito!"

"Hwag kang masyadong pakasiguro, Arkand. Hindi kita papayagang gawin ang gusto mo!"

Pero ano ang gagawin ko? Papatayin ko ba si Arkand?

No! I can't! Ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko kay Arkray!

Pero kung hindi naman, baka sabihin niya kay Arkray ang mga nalalaman niya!

Arkray will surely kill me!

Ugh!

...

Hindi ko na namalayan na inatake na pala ako nito. Naramdaman ko na lang pagbiling ng mukha ko at pagsadsad ko sa sahig. Agad akong tumayo pero bago pa man ako makabawi ay nahawakan na ako nito ng mahigpit sa leeg.

F*ck!

"You're not paying attention Rogue," wika nitong nakangisi. "You seem bothered. You're afraid what will happen and what will my sister feel when she knows that you killed our Gramps and Artemis... She will just kill you and the rest of the Elric... like what she did to the Meir... "

Dumiin ang pagkakasakal nito sa akin. Nagpumiglas ako pero hindi ako makawala.

Arkand!!!

Nawala ang ngisi nito at sumeryoso. "This is your end Rogue Elric..."

Sh*t!

Agh!

Ubod lakas ko itong sinipa sa tagiliran bago pa man nito maisakatuparan ang balak.

Hindi ako nito binitawan pero humina ang pagkakasakal nito sa akin kaya sapat na para makawala ako.

Napahawak ako sa leeg ko. Muntik na 'yun ah!

"Tss." Arkand.

Akala ko ay muli itong susugod pero hindi. Binunot nito ang baril at tinutukan ako.

"Sorry Rogue, I don't have time to play," seryosong wika nito.

Sh*t!

Naloko na!

*Bang!

.

Hindi ako tinamaan ng bala dahil kasabay nang pagkalabit ng gatilyo nito ay isang tao ang sumipa sa kamay nitong may tangan ng baril...na siyang ikinagulat ko.

"I'm sorry honey but I won't let you kill my brother..." sabi nito.

*

Guile Island, Tartaros HQ...

Vincent's POV

Napangiwi ako nang maramdaman ko ang kirot sa tagiliran ko pagbangon ko.

"You still need to rest, Blood," sabi ni Brix na nakatayo sa may pinto.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now