Chapter 10: When Two Hearts Paralleled

417K 14K 7.5K
                                    

Chapter 10: When Two Hearts Paralleled

 

Arkray’s POV

“Arkray, papunta ako sa Science Department. Gusto mo sumama?” tanong sa ‘kin ni Myles.

Alas tres pa lang pero wala na kaming klase. May meeting kasi ang buong Business Department o Management division.

“Sure!” sagot ko. Mas maganda siguro kung mag-explore muna ako sa Sang Real bago umuwi. Wala naman akong gagawin sa bahay.

Narating namin ang Science Department after 15 minutes, more or less.

Naagaw ang pansin ko sa isang daan na papunta sa gubat or garden ata. Well, papunta ata ‘to sa Botany garden, sa isip-isip ko.

“’Yang daan  na ‘yan, papunta ‘yan sa Mini Forest. Mini lang ang tawag pero sa totoo malawak at masukal ang gubat na ‘yun sa likod ng school,” biglang sabi ni Myles. Napansin ata nito na nakatingin ako sa daan na ‘yun. “Mapanganib din dun hindi lang dahil sa maari kang maligaw kundi may mga ahas din lalo na sa pinakamasukal na bahagi nun,” dagdag pa nito.

“Ah…” Tumango-tango ako. “Nakapunta ka na ba sa Mini Forest na ‘yun?”

“Oo. Pero isang beses pa lang. Sumama lang ako noon sa isang professor dito na kumuha ng gagamitin niyang specimen. Sa Mini Forest din kasi kumukuha ng mga specimen ang mga taga-Biology ganun rin ang mga taga-Botany.”

“I see.”

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa may nakasalubong kaming isang kagalang-galang na lalaki na sa tantiya ko ay nasa late forties na.

“Hello Sir!” bati rito ni Myles.

“O Myles! Buti napadaan ka!” nakangiting turan nito kay Myles. Tapos ay tumingin ito sa akin.

“Nga pala, Arkray this is Dr. Edgar Esquivel, Biology professor dito and at the same time an optalmologist,” pakilala ni Myles dito.

“Hello po!” magalang kong bati rito.

“At Sir, siya naman po si Arkray, kaibigan ko,” pagpapakilala naman ni Myles sa ‘kin.

“Hello Arkray! You have a pair of beautiful eyes huh!” nakangiti pa ring turan nito. “And such a beautiful young lady!” Ramdam ko ang matiim na pagtitig nito sa akin sa likod ng mga ngiti nito. Pakiramdam ko’y isa akong specimen na sinusuri at pinag-aaralan nito sa ilalim ng microscope.

I feel uneasy in an instant.

“Siyanga pala Myles, can I talk to you for a while?” Muli itong tumingin sa akin matapos ibaling kay Myles ang atensyon nito. “And iha, okay lang ba na kausapin ko muna si Myles sandali? I have something to discuss with him…in private,” nangungusap pang pahayag nito.

“Sure Sir! No prob!” nakangiti at magalang ko paring sagot dito sa kabila ng pagkailang na nararamdaman ko.

Sumulyap pa sa akin si Myles. Ang mga mata nito’y nagtatanong kung ayos lang ba talaga sa akin. Halata pa sa mukha nito na nag-aalinlangan itong iwan ako.

“Don’t worry Myles, it’s okay. I’ll be fine!”

“At saka it will only take some minutes lang naman,” saad pa ni Dr. Esquivel.

“Sige po…” Tumingin pa ulit sa kin si Myles. Tingin na humihingi ng paumanhin. Ngiti naman ang itinugon ko rito.

“O pano iha, maiwan ka muna namin.” Tumango lang ako. Then pumasok na sila sa may office siguro ni Dr. Esquivel. Ako nama’y naupo sa isang bench sa ‘di kalayuan.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now