Chapter 26.1: I'm Lost! Gangster's Lair Part 1

373K 8.3K 5.5K
                                    

Chapter 26.1: I'm Lost! Gangster's Lair Part 1

Arkray's POV

Holiday ngayon kaya walang pasok!

Good morning Earth!

Good morning Pirate!

I hugged and kissed the white teddy bear that Rogue gave me.

And yes, I named the bear, Pirate. Muntik ko na ngang lagyan ito ng eye patch eh. Parang adik lang.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may messages ako from Rogue.

20 missed calls.

Mukhang kanina pa siya tumatawag. Kawawa naman hindi ko nasagot ang mga tawag niya.

I dialed his number.

Nasagot naman agad ito ni Rogue.

"Good morning Pirate!" malambing na sabi ko sa kanya.

"Good morning too. Kagigising mo lang?"

"Yup!"

"Kaya pala..."

"Pirate, sorry kung 'di kita nasagot kanina."

"Okay lang , " sagot nito. "Boss?..."

"Hmm?"

"I have something for you."

Bigla akong kinilig at na-excite sa sinabi nito.

"What is it?" tanong ko.

"I won't tell. It's my surprise for you later," turan nito.

Arf! Arf!

"Tss! Stay put!" narinig kong sabi ni Rogue sa kabilang linya.

O.o Eh?

"Rogue?"

Arf! Arf! Arf!

"Shut up or I'm gonna kill you!" narinig kong muling sabi nito.

Arf! Arf!

"I said shut up!"

"Rogue? You okay there?"

Kelan pa nagkaroon ng aso si Rogue?

"Uhm, I'm sorry about that Boss, Ano kasi....uhm...Tss! Nevermind..."

"Okay," sabi ko na lang.

"Pupunta na lang ako sa inyo mamaya. Can't wait to see you, love," ani Rogue.

(>////<)

"Me too, love," malapad ang ngiti na tugon ko rito. "Pumunta ka na lang ng lunch time. I'll cook for you."

"Sure, love you!"

"I love you too Pirate. Hintayin kita. Mwah!"

Then I ended the call.

Nakangiting tumayo ako sa pagkakahiga ko at nag-ayos bago bumaba.

Ano naman kaya ang surprise sa 'kin ng piratang 'yun?

Can't wait!

.

.

.

Kakabukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ko ay sumalubong na agad sa akin ang isang nakakairitang ingay na umaalingawngaw sa buong mansyon. Sound proof ang kwarto ko kaya hindi ko naririnig kanina. (=_=)

Bloody hell Grae! Ang aga-aga parang nakadrugs!

Dali-dali akong bumaba at dinatnan si Grae sa sala na 'kala mo ay nasa concert! Tsk!

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now