Chapter 27: Versus the Fakers! The Enraged Rogue!

301K 8.6K 3K
                                    

Chapter 27: Versus the Fakers! The Enraged Rogue!


Grae's POV

'So this is Philippines' Gangster's Lair, huh. Not bad,' sa isip-isip ko bago kami tuluyang pumasok ni Rogue sa loob ng GL.

"It's Rogue Dreyard and the redhead Grae Lawrence, right?!"

"Yeah, sila nga."

I smirked. It seems that they recognized us.

Sabagay, sino nga ba ang hindi makakakilala sa mga most feared ngayon ng Sang Real?

The redhead and the eye patch guy.

Ano pa kaya kung malaman nila kung sino talaga kami? For sure, they'll tremble in fear! Haha!

"Ba't nandito sila sa GL?"

"Gangster din kaya sila?" narinig ko pang bulungan ng mga ito.

Tss!

Nilagpasan na lang namin ni Rogue ang mga ito. Pakialam ba naman namin sa kanila?!

Nasa second level na kami nang masalubong namin ang 4 Nobles.

Remember them? The great losers?

Matatalim ang mga tinging ipinukol ng mga ito sa amin liban kay Summer. Bahagya lang itong tumingin sa amin at marahang tumango.

'Yun lang at nilagpasan na namin sila at tinungo ang pinakababang level ng GL.

"Saan tayo?" tanong ko kay Rogue.

"There," sagot nito at ininguso ang medyo madilim na parte sa may pinakamataas na bahagi ng stadium.

Pagkarating namin doon ay humalukipkip ako at sumandig sa pader.

Ganun na lang ang pagkabigla ko nang tumingin ako sa arena.

"Tss! Effin' morons!" narinig kong turan ni Rogue. Puno ng pagkadisgusto ang tono ng pananalita nito.

"Do they want to die?!" wika ko rin na puno rin ng pagkadisgusto habang nakatingin sa arena.

Parang 'di ko maatim na tingnan ang 'Triumvirate' na nasa loob ng arena at nakikipaglaban. Ang sakit sa matang tingnan ang mga ito na parang gusto ko nang pagbabatuhin at tadtarin sila ng mga shurikens ko!

And I'm sure ganun din si Rogue. Malamang na gusto rin nito na pagbabarilin ang mga feeling Triumvirate sa baba.

Tss! How dare them imitated and mocked us!

But wait, kung fake ang Dark Emperor at Dark Empress, malamang na fake rin ang Dark Conqueror!

Urgh! Very disgusting!

"Mukhang nag-aaksaya lang tayo ng oras sa pagpunta rito," malamig pa ring wika ni Rogue.

"Yeah, you're right."

Aba't may sumabat---!

Napalingon kaming dalawa ni Rogue sa lalaking nagsalita na nasa tabi namin.

Pinasadahan ko ito ng tingin.

He's tall and has a well-built physique. Naka-cap ito kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito lalo pa't medyo madilim sa bahagi naming 'yun.

"It's really a waste of time..." muling sabi nito. May British accent ito. Tapos ay lumingon ito sa amin, "...with those bloody fakers," patuloy pa nito tapos ay makahulugang ngumiti sa amin ni Rogue.

Fakers?! Paano nya nalaman 'yun?!

Kung titingan kasi ang 'Triumvirate', hindi mo masasabing fake ang mga ito. Tanging kaming totoong Triumvirate o ang mga nakakakilala lang talaga sa amin, kung meron man, ang makapagsasabing peke ang Trium na nasa arena.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now