Caught

13.3K 403 8
                                    

Shaun's POV

Paalis na ako ng hotel to unwind myself. Kailangan kong pakalmahin ang sarili after ng nangyari kanina pero nakita ako nila ate Cass at mommy.

"Son, I think you have some explaining to do!" wika ni mommy. "Come with us, imi-meet namin ang kuya at father mo sa restaurant."

Napabuntong hininga na lamang akong sumunod. Alam kong naroon sila kanina sa hotel at nakita ang nangyaring gulo na sangkot ako.

Pagdating sa Barcino's restaurant ay nakita ko na naroon lahat. My father, brother in law Matt with Sofia,my niece , my brother and my preggy sister in law Sasha.

"So, may reunion pala!" sabi ko. "Anong okasyon?"

Nagtawanan sila sa sinabi ko na aking ipinagtaka. What's going on?

"Pinapunta kami dito ng mommy mo dahil may ikukwento ka daw na mahalagang bagay." sagot ni dad.

Sabi ko na nga ba eh! Tinitigan ko ng matiim sina mom at ate.

"Chill brother!" sabi ni kuya Hendrick na makitang mainit ang ulo ko.

I just sat and pick the chips infront of me. "Whatever!'

"First nabaril to save her and now nakipag away ka. Now tell me whats goin on between the two of you? " maawtoridad na tanong ni dad.

Di ako sumagot. Now im on a hot seat.

Tumikhim si mom at nagwika. "You tell us or you want us to ask her."

Do i have to tell them?

"And you applied to be her staff at the hotel." sabi naman ni ate Cass. Napangiti tuloy lahat. "And you you look like a damn jealous kanina. Kung di ka siguro naawat eh baka nakapatay ka na" dagdag pa nito

"Talaga ginawa niya yun? Wow!" komento ni kuya Matt.

"Oh, sana nandun ako kanina, i cant imagined na ang bunso namin, the billionaire and famous Shaun ay ginawa yun. Thats amazing bro. I salute you!" biro naman ni kuya Hendrick.

Tinitigan ko lang ito ng matalim. Kung hindi lang talaga nasa harap ng pagkain.

"Enough. Now lets give him a chance to talk.' awat ni dad.

Everyone is looking at me waiting for my answer. But I remain silence.

"Mr. President, ma'am, sir pinatawag niyo daw po ako?" magalang na tanong ng nasa likod ko. Pagkarinig ko ng boses niya ay kinabahan na ako. I think si mommy ang may idea nito dahil alam nilang di ako aamin. Napalingon ako kay Pisces sabay tayo. "What are doing here?" agad na tanong ko sa kanya. Nakita ko ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha.

Lagot na! Mukhang wala itong alam.

"Pinapatawag ako-"

Magsasalita sana ito ng biglang magsalita si mommy. "Take a seat hija. Samahan mo muna kaming maglunch. Sige na please"

Ipinaghila ko ito ng upuan. Pagkaupo pa lang ay lumingon na ito sa akin. Nagtatanong ang mata kung anong nangyayari. Nagkibit balikat lamang ako.

"Ms. Lee, or can we call you Bria na lang?" tanong ulit ni mommy. Tumango ito.

"Bria is he a good staff?' nakakalokong tanong ni kuya Hendrick.

"Okay naman po" magalang na sagot ni Pisces

"Kung wala na kayong ibang itatanong mabuti pa ay umalis na kami." sabi ko saka hinawakan ang kamay ni Pisces. Akma na kaming aalis ng biglang nagsalita si dad.

"The two of you take a seat." seryosong sabi ni dad. Walang nagawang umupo kami ulit.

Nakangiti si mom na nagsalita ulit na nakatingin kay Pisces."Bria, our son Shaun didnt answer our questions kasi."

"Son?"napalakas na tanong ni Pisces.Sabay tingin sa akin ng masama.

"Yes he is our son, the youngest one." Nagulat din ang lahat ng malaman na di alam ni Pisces . Sino ba naman ang di makakakilala sa mga Dela Merced. Tingin ko ay di naman napagtuunan ng pansin ang Last name ko na gamit na rin niya.

Lalo itong tumingin ng masama sa akin. "Why you didnt tell me that you're a Dela Merced.

"Hey, we never talked about that things yet di ba? And you never ask!" sagot ko.

"You should have tell me." sabi pa rin nito. Para na tuloy kaming nag aaway sa harap ng lahat.

"Even i did not tell about it you should have known it three years ago knowing that you are using it!" napalakas na katwiran ko sa kanya. Natahimik ito. Paano ba naman tama ako. Nagagalit pa ito sa akin na para bang ako ang may kasalanan na di niya alam.

Namula ito sa hiya.

Nanlalaki ang matang napatingin ang lahat sa amin.

"The two of you are?" gulat na tanong ni ate Cass.

"they are married mama. Look, the soldiers ring of tito is in her fingers." singit na sagot ni Sofia. She's only 6 but really a keen observer.

Lalong namula si Pisces at naramdaman ko rin ang pag-init ng pisngi ko.

"So now tell us!" sabi ni dad.

Tinitigan ko si Pisces, humihingi ng permiso. At napatingin din siya sa akin. nakakaunawang tumango ito. Hinawakan ko muna ang kamay niya na nasa silong ng mesa bago nagsalita. Naramdaman ko ang paghigpit na kapit nito tanda na kinakabahan ito.

"She's my long loss wife."

Kasunod niyon ay ang pagngiti ng lahat.

Tumayo si Mommy at niyakap si Pisces.

"Welcome to the family hija!" sabi naman ni dad sa kanya.

Nakaramdam ako ng relief sa nakitang magandang pagtanggap sa kanya.

Loving Mrs. PiscesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon