Happiness

21.2K 544 36
                                    

Eight months after.

Nahuli na si Albert at kasalukuyang nakakulong sa Canada. Gayun din sina Big M at mga tauhan nito.

Tumigil na sa pagiging secret agent si Shaun at nagfocus na lang sa business ngunit palagian pa ring nasa Hotel kasama ang asawa't mga kaibigan doon.

Si Mang Kardo ay nasa Pilipinas na at may sarili ng taniman na bigay ng mag-asawa dito tanda ng pasasalamat. Si Troy at Sarah naman ay nakahanap na ng mga kapareha.

Si Cass naman ay napromote bilang head pediatrician sa ospital at masaya ang buhay mag-asawa. Sina Hendrick naman at ang asawa ay nabiyayaan muli ng isa pang anak.

Naging magkaibigan na ang mama at papa ni Bria. Kasalukuyan ng naninirahan ang papa ni Bria sa kanila. Si Libriana at Aries naman ay ilang buwan ng di nasasangkot sa gulo. Si Paulino ay naging malapit sa pamangkin ni Shaun na si Sofia.

Shaun's POV

"Ano ba gumising ka na nga diyan." wika ni Pisces sa natutulog na asawa.

Naging pabago bago kasi ang mood ni Pisces dahil sa pagbubuntis.

Bahagya niyang naramdaman ang pagyugyog nito sa kanya.

"Good morning wifey!" bati niya dito.

"Anong goodmorning ka diyan!" sagot nito.

Niyakap ko ang braso nito at nilambing."Bakit na naman wifey?"

Inirapan lamang siya nito. "Bumaba ka na at nagugutom na ako."

Natutuwang tumayo na siya. Di pa rin nagbabago ang paghangang nararamdaman niya sa asawa. Kahit lumaki ito ng husto sa pagbubuntis ay napakaganda pa rin nito sa paningin.

Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang asawa ko na sumigaw. "Callen!"

Nagmadali akong bumalik sa kwarto."Bakit anong nangyari?" tanong ko ng makalapit dito. Nakaupo na ito sa gilid ng kama.

"Manganganak na yata ako! Aray ang sakit." wika nito na naiiyak. Nataranta akong kinuha ang nakahandang gamit nito para sa panganganak. Sa isang lingo pa dapat ang due nito at mukhang napaaga.

"Hoy saan ka pupunta? Iiwan mo ako dito?" sabi ni Pisces.

Kabadong bumalik ako sa kanya at binuhat ito .

Habang nasa tapat na ng garahe ay naalala ko na nakalimutan ko pala ang susi ng sasakyan.

Mabuti na lamang at naroon si Papa.

Eksaktong pumutok ang panubigan ng aking asawa ng makarating kami sa ospital.

Di ko maipaliwanag ang kaba at pag-aalalang nararamdaman ko habang nakikita ko ang asawa ko na nagli-labor.

Pinagpapawisan akong nakahawak sa kanya.

"Ire lang misis. Isang malakas na push na lang at lalabas na si baby. Nakikita ko na ang ulo niya." sabi ng doctor.

"Ahh! " ire ni Pisces kasabay noon ang paglabas ng anak namin.

Parang namamalikmata akong napatitig sa sanggol.

"Congratulation its a boy!" sabi pa ng doctor. Inilapit nito ang sanggol sa tabi ni Pisces upang makita nito ang anak.

"Baby.." nanghihinang sambit niya. Pinunasan ko ang namuo niyang luha at nagsabi."Thank you wifey for this. I love you. Take a rest . Im just here."

At nakatulog na nga ito.

Bria's POV

Nagising ako sa ingay na naririnig.

Narito na pala ang lahat.

"Ang cute cute ng apo ko." sabi ni mama habang buhat ang aking anak.

"Talagang cute ang apo natin!" proud naman na sabi ni mommy. Sa may gilid ay masayang nagkukwentuhan sina Papa at Dad ng tungkol sa pag-aalaga nila sa amin noon. Mga proud na lolo.

"Wow kuya sinalo mo lahat buhok lang yata ang nakuha kay Bria." wika ni Sarah habang nakatingin sa sanggol.

"Oo nga mare!" sagot ni Aina. Tumango din sina Lily at Alessandra.

"Dela Merced na dela Merced ang kulay!" sabi naman ni kuya Hendrick.

"Ang guwapo nito paglaki!" sabi naman ni ate Cass.

"Siyempre mana sa akin. Malamang guwapo!" proud na sabi ni Callen

"Mayabang!" sagot ko dito.

Napakamot ito ng ulo at lumapit sa akin. "Totoo naman ang sinasabi ko wifey eh."

"Dont worry ate may nakuha naman sayo , yung buhok kaya mukha ka na ring may ambag!" biro ni Paulino kaya nagtawanan ang lahat.

Ibinigay na ni mama sa akin ang aking anak. Nakadama ako ng kasiyahan. Nagpapasalamat ako sa pagkakaroon ng anak at mapagmahal na asawa. Im contented with my life now and happy.

"What will be his name!" tanong ni Troy.

Napatingin sa akin si Callen. Matagal na kasi naming pinagtatalunan kung ano ang ipapangalan.May mga suggestion din kaming natatanggap noon kina mama.

"You're the one to decide. I'll be happy for whatever you like to name him" sabi ni Callen sa akin.

Isang matamis na ngiti ang ipinagkaloob ko sa kanya.

"He will be called-" Nag-aabang ang lahat sa sasabihin ko. "Shaun Callen Lee Dela Merced Jr. "

Nakita ko ang labis na tuwa sa mukha ng aking asawa sa sinabi ko.



-END-


*************************


Thanks Calebabe for the story cover. God bless you !


 

Loving Mrs. PiscesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon