Misunderstanding

13.8K 355 7
                                    

Bria's POV

Buong lingong nakikita ko sa hotel si Callen. Lagi itong tumatambay sa office namin.

"Callen, can you please get out of my chair!" naiinis na sabi ko sa kanya. Ginawa ba namang kama ang upuan at mesa ko.

"Mamaya na,inaantok pa ako eh."reklamo nito at di pa talaga tumayo.

"Saan ka ba kasi pumunta kagabi at mukhang puyat na puyat ka ha!" tanong ko sa kanya. Sa katapat na upuan na lamang ako umupo.

Sumingit si Aina na may dalang kape,ipinatong sa mesa ko."Hayaan mo ng matulog yan mukhang may hang over! Oh pakapehin mo muna."

Pinaningkitan ko siya ng mata.

Tumingin ito sa akin. "Nagkita-kita kasi kami ng pinsan ko at kababata. Ayun nagkaayaang uminom!" paliwanag nito sabay higop sa kape.

Hindi ako sumagot sa halip ay iniwanan ko siya at nagpunta sa isang event .

Kinagabihan ay nag-aya naman si Lily na magpunta ng bar. Birthday kasi nito kaya di na kami tumanggi.

Pagdating namin sa bar ay inasikaso kami agad ng makita si Shaun. Mukhang suki na rito ang mokong!


Dumating din ang ibang kaibigan ni Lily at kasintahan. Si Alessandra ay tuwangtuwa na nakikipagsayawan sa mga boys na nandoon. Si Aina naman ay nakikipagkwentuhan sa officemates ng boyfriend ni Lily. Tanging kami lang ni Callen ang walang kakilala.

Nang biglang may dumating na magandang babae at lumapit ng makita si Callen.

"Shaun! Andito ka na naman?" sabi ng babae kay Callen ng makalapit.

Napatayo naman si Callen ng makita ito. ""Sarah!"

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng halikan ng babae si Callen sa pisngi. "Mukhang walang hang over ah!"

"Di naman. Sinong kasama mo?" tanong ni Callen sa babae.

Nakakita lang ng maganda ay kinalimutan na ako! nagngingitngit kong sabi sa sarili.

"Sina Troy kaya lang malelate daw. Pwede bang dito muna ako?" sabi ng babae

"Oo naman." sagot ni Callen saka ipinaghila ng upuan ang babae. Sa inis ko ay ininum ko yung alak sa tapat ko. Sinundan ko pang isa. Di ko napansin na sinusulyapan pala ako nila Aina.

Nang iinumin ko na ang pangatlong kopita ay may kumuha nito sa kamay ko. "Hey, easy!" sabi ni Callen.

"Easy mong mukha mo!"sabi ko sabay tayo. "Guys CR lang ako." paalam ko.

"Pisces samahan na kita!" sabi ni Callen at akmang aalalayan ako.

"Bakit pwede ka ba sa pambabaeng CR ha?"mataray na sagot ko sa kanya at tumuloy na sa CR.

Ibig sabihin ito ang kasama niya kagabi! Nakakainis! At di man lang talaga ako ipinakilala. Ang flirt!


Pabalik na sana ako sa dating pwesto ng makitang masayang nagkukwentuhan si Callen at yung babae. Sa inis ay umiba ako ng direction.

May lumapit sa akin na cute na guy at inaya akong sumayaw. Pero nung nasa dance floor na kami ay may bigla na lang humila sa akin. Its Callen.

"Sorry di siya pwedeng makipagsayaw."sagot niya sa lalake at tinitigan ito ng masama. Agad namang nakaunawa ang lalake at umalis.

Hinila niya ako pabalik sa puwesto namin kanina.

Seryoso ang mukha nito. At ito pa ang galit, dapat nga ako ang magalit dahil nakipagharotan ito sa ibang babae sa harap ko!

"Hi guys sorry Im late! Shaun dito ka na naman pala!" bati ng nagsalita. Napatingin ako dahil kilala ko ang boses. Maging ito ay napatingin. "Bria! Wow lalo kang gumanda ah," sabi nito sabay upo sa tabi ko. Nakita kong nanigas ang anyo ni Callen. Ang nangyari tuloy, ang puwesto namin ay yung Sarah-Callen-ako at si Troy. Awkward position.

"Hi Troy! " sagot ko.

Itinaas ni Callen ang kamay at may lumapit na waiter. "Two vodka!"

"Make it four!" sabi naman ni Troy."Akala ko babalik ka na naman ng LA Shaun?"

"I'd rather not."matipid na sagot ni Callen.

Tumingin sa akin yung girl. "Hi Im Sarah! And you are , Bria or Pisces?"

"Same. You can call me Bria". sagot ko.Ayaw kong may ibang tumatawag sa akin na Pisces maliban sa asawa ko.

"Nice name. Di ko alam na kakilala mo ang dalawang to?Ingat ka sa dalawang yan, parehong playboy!" sabi ni Sarah

"Sarah!" sabay na wika ng dalawang lalake.

Naningkit ang mata kong tumingin kay Callen.

"That was before." maikling sagot ni Callen sa akin. Pero may isang babae na namang dumating. Nang makita si Shaun ay mabilis na yumakap dito.

"Oh Shaun! Nice to see you again!" sabi ng girl kay Callen. Tipid na ngumiti naman ito sa babae. Lalo akong nakadama ng inis. Bakit di ko naisip, sa itsura ni Callen siguradong playboy ito!

Mabilis kong ininom ang vodka na inorder ni Callen.

"Bria ang tagal nating di nagkita ah!" agaw pansin ni Troy sa akin.

Napatingin ako dito. "Oo nga eh. Pareho tayong busy eh!" Saka ininom ulit ang isa pang alak. Di ako sanay uminom pero mukhang kailangan ko ngayon.

Sumenyas si Troy sa waiter upang kumuha ulit ng panibago.

Lumipas ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng hilo.

Naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Callen pero tinabig ko. Hindi nito pinansin ang ginawa ko sa halip ay lumapit at binulungan ako. "Why are you mad at me?"

Tiningnan ko siya ng masama.

"Bria , lets dance!" aya ni Troy sa akin kaya napalingon ako dito. Tinanggap ko yung kamay nito na nakalahad sa akin.

"Let go of her hands now!" malakas na sabi ni Callen kay Troy na nakaagaw ng pansin ng lahat , maging sa mesa nila Aina.

Seryosong seryoso ang mukha nito.

Nang makita ang anyo ni Shaun ay binitawan agad ako ni Troy at umupo ulit.

"She's not going to dance." sabi ulit nito.

Naguguluhang tumungin na lamang si Troy kay Shaun at sa akin.

"Why im not aloud to- to dance?" tanong ko kay Callen na medyo nauutal.

"Because I say so!" matigas nitong sabi.

Inirapan ko siya saka paika ikang naglakad palabas ng bar.Susundan pa sana ako ni Troy ng pigilan ito ni Sarah.

Nang nasa labas na ako ay saka ako naglabas ng sama ng loob.

"How dare he!" inis na sabi ko sa hangin.

"Yes how dare me!" sabi ni Callen na nasa likod ko pala.

Lumingon ako sa kanya."Bakit ka pa sumunod ha? Maiwan ka na lang sa mga babae mo!"

"At para makasama mo naman si Troy!Ganun ba ang gusto mo?"galit na wika nito sabay hila sa akin papasok sa sasakyan niya.

"Kaibigan ko lang si Troy." sagot ko. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng hilo.

"Na nanliligaw sayo!"

"dati. matagal ng hindi eh ikaw.Nakikipaglan-landian ka dun sa Sa-sarah na yun at dun pa sa ishang ba-babae."medyo nauutal kong sagot. Hinampas ko rin ang dibdib nito.

Hinuli niya ang kamay ko. "God Pisces! Sarah and Leigh is my cousin! " sabi nito na napahawak pa sa ulo.

Natigilan ako. Nakainom ako pero aware pa ako sa nangyayari. Naku, nakakahiya talaga! "So-sorry. I got jealousssh kashe eh." huling sabi ko saka nakatulog sa dibdib niya.

Loving Mrs. PiscesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon