Wrong Speculations

14.1K 371 3
                                    

Bria's POV

Lumipas ang dalawang buwan simula ng malaman ng pamilya niya ang tungkol sa amin.

Kasalukuyang nasa ibang bansa si Shaun para sa isang mission. Tapos na kasi ang hiningi nitong leave. Habang tumatagal ay nararamdaman ko na lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Iniiwasan ko dahil alam ko sa sarili na magkaibang magkaiba ang mundong ginagalawan namin. Ayokong masaktan kapag dumating ang panahon na hilingin niya na maghiwalay na kami kapag may nagustuhan na ito.

Isang araw. Araw ng pagdating ni Shaun sa Pilipinas.

"Bria, yung cellphone mo nagriring!" pansin ni Aina.

Di ko namalayan na tumutunog pala ang cp ko dahil sa pag iisip. Caller: Libraiana.

Hello Libra, bakit?

Ate sunduin mo kami.

Sunduin saan?

Dito sa presinto.

Presinto? Saan yan? Ano na naman ang ginawa niyo?

Dito sa may project 4 ate. Si Kuya aries kasi napaaway. Walang magbi-bail. Wala sila mama, maya pa ang dating. At saka pag nalaman nila siguradong lagot kami.

Sige pupunta na ako diyan. Sandali lang. Itext mo yung exact address. Bye!

Agad kong pinatay ang tawag at nagsimula ng mag-ayos. 5 pm na rin naman.

"Aina, kayo na ang bahala ha" sabi ko .

"Oo, mayamaya aalis na rin kami." sabi naman nito.

Di ko na namalayan ang oras. Nakapagpiyansa na rin si Aries at pinayagan ng makauwi. Ipinagtanggol lang nito ang kapatid at kaibigan sa mga bumastos sa mga ito.

Alas onse na ng gabi.Hinatid ko muna sila sa bahay nila after ko silang pakainin. Gutom na gutom ang mga ito.

Habang nagkakape ay tiningnan ko ang cellphone ko. 96 misscalls, galing lahat kay Callen. Patay! Nakalimutan ko na ngayon pala ang dating niya at may usapan kami na magkikita sa hotel.

Magrereply na sana ako ng may narinig akong ugong ng sasakyan.

Shaun's POV

Naabutan ko sina Aina sa office kanina.Tinanong ko kung nasaan si Pisces, ang sabi kakatagpuin yung tumawag dito. Wala pang mga alam ang mga katrabaho nito sa sitwasyon nila.

Uminit ang ulo ko sa nalaman. Sino ang pinuntahan nito at nakalimutan nito ang usapan namin?

Tinry ko siyang tawagan. Nagriring ang cellphone nito ngunit di sinsagot. Then I decided to track her using gps. And then heto siya ngayon sa tapat ng isang bungalow type na bahay sa may Bulacan.

"Why are you not answering my calls?" bungad ko agad sa kanya ng pagbuksan niya ako ng gate.

Di ito sumagot.

"Pisces what the heck is this? Sino yung kinatagpo mo raw sabi ni Aina?"

"Callen. Pumasok ka muna .Doon tayo mag usap."sabi nito.

Nang makarating kami sa sala ay nagsalita agad ako. "Are you leaving me again. You're not answering any of my questions." medyo malakas na sabi ko.

Tumawa ito. "Hindi. Paranoid! Sorry di ko napansin yung mga tawag mo kanina."

"Paranoid pala ha? How im not supposed to be like that, eh nakapagtago ka nga sakin ng tatlong taon! Sa dami ng miss calls ko sayo, di mo man lang napansin?"

"Sorry na nga. " kampante lang na sagot nito sa akin. "Nagawa mo nga akong sundan dito kaya siguradong makikita mo ako kahit saan pa ako pumunta"

"Huh!" naiinis na sabi ko.

Loving Mrs. PiscesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon