Reunited

11.7K 322 2
                                    

Shaun's POV

Nagmamadaling lumapit sa akin si mang Kardo.

"May naghahanap sa iyo na babae. Nag-iikot ikot siya dito sa lugar. Asawa mo daw. Maganda. Nasa may labas siya. Sinamahan ko baka mapano pa sa labas."

Bumilis ang tibok ng aking puso.

Hinanap ako ng asawa ko!

Paika ikang nagmadali akong lumabas. Tumingin sa paligid baka may nagmamasid. Nakita ko ang aking asawa sa gilid nakasandal. Mukhang nakatulog ito. Pagod marahil ito sa pag-iikot.

Napansin ko ang malaking pagkahulog ng kanyang katawan. Maga rin ang mga mata nito. 

Mayamaya ay naramdaman ko ang paglapit ni mang Kardo.

"Mabuti pa ay ipasok na muna natin siya sa loob at baka may makakita pa.Mahirap na." wika nito.

Pinagtulungan naming buhatin si Pisces papasok at inilapag sa papag. Hindi pa kasi lubusang gumagaling ang bali sa aking hita. 

Noong nakaraang lingo ay may nakikita si mang kardo na umaaligid sa paligid kaya hindi ko pa maipaalam ang aking kalagayan sa iba. Mabuti na ang maingat.

Nasa gilid lamang ako ng papag, naghihintay na siya'y magising.

Lumipas ang ilang oras ay gumalaw na ito hudyat ng paggising.

Nakatulalang nakatitig ito sa akin.Hinawakan nito ang sarili nitong pisngi saka kinurot."Am i dreaming?"

Tinanggal ko ang kamay niya sa kanyang mukha."No you're not dreaming.Im real."

Natauhan ito saka sinugod ako ng yakap.Napaatras ako ng matamaan nito ang paa ko na may bali.

"Aw!"

Umayos ito ng pagkakaupo saka ako pinagmasdan.

Parang pinipiga ang aking puso ng makita itong lumuluha.Mabilis ko itong kinabig at niyakap ng mahigpit.

"Im so sorry.Its my fault." wika nito saka napahagulgol.

"No. Its never been your fault."

Kinabig ko siya palapit upang mahagkan.

Matagal na naghinang ang aming mga labi.

Ramdam ko ang kanyang pangungulila.

"Bakit di mo agad pinaalam na buhay ka.Nagluluksa silang lahat sa pag aakalang patay ka na."

" Nung isang araw lang ako lubusang nagkamalay.Tumakas ako sa mga nagtatangka sa akin matapos kong makaalis sa tabing dagat. Pinatuloy ako dito ni mang kardo bago ako mawalan ng malay.Hindi ako gaanong makalakad dahil nabali ang kanan kong paa."

Tumingin ako sa kanya bago muling nagsalita."Gustuhin ko mang puntahan ka ay di ko magawa dahil alam kong may naghihintay na lumantad ako para maisakatuparan ang kanilang plano. Di ko kayang makipagsapalaran at itaya ang buhay ng mga mahal ko."

"Natutuwa akong ligtas ka!" naluluha pa rin itong nagsalita.

Pinunasan ko ang pisngi niya na may luha."Do they know that you're here?"

Umiling ito.

Sinasabi na nga ba niya! Paano na lang kung may masamang nangyari dito?

"Bakit mo ginawa yun? Alam mo bang delikado?"

Yumuko ito. "If i didnt do that,i wont be here now.I wont be seeing you. I really wanna see you again.It hurts heŗe!" sabi nito saka itinuro ang dibdib."It hurts hearing that you're dead kaya nagbakasakali ako."

Muli ko siyang kinabig."Im so sorry.For causing you pain.I love you Pisces."

"I love you too."

Ilang minuto ang lumipas na nanatili kaming magkayakap.

"Big M is in jail.You mean may mga kasabwat pa siya?" tanong nito.

"Big M has a son.Si Albert na may matagal ng galit sa akin.He is my competitor during college days.Natalo ko siya sa ranking.I just found out that he is Big M son lately.Its like shooting two balls in one strike.If they will got you.His father would be happy and makakapaghiganti siya sa akin.Alam niyang ikaw ang kahinaan ko!" paliwanag ko sa kanya.

"What will we do now?"

Biglang bumukas ang pinto.

"Pasensiya na sa abala. May mga tao na namang aaligid aligid.Kailangan na ninyong makaalis sa lalong madaling panahon.Mukhang nasundan ka nila ineng!" sabi ni mang Kardo.

Naramdaman ko ang takot ng aking asawa.

Tumayo na ako at inabot ang sumbrerong ginagamit sa tuwing ako ay lalabas. Isinuot ko ito sa kanya.

"sa likod na kayo dumaan. Naroon na si Tsuno, nakaabang." wika ni mang Kardo.

"Salamat po ng marami." narinig kong wika ni Pisces kay mang Kardo kasabay ang pagyakap nito dito.

"Sige na, bilisan ninyo at baka kayo maabutan." 

Nagmadali kaming naglakad palabas ng masikip na kalyeng iyon. At naroon nga si Tsuno . Nakaabang ang luma nitong sasakyan.

Hiniram ko  ang phone ni Pisces and contacted some of my colleagues.

Isang chopper ang sumundo sa amin makaraan ang isang oras tungo sa isang isla sa Pilipinas.

Naroon ang mga agent na aking mapagkakatiwalaan at isang masusing plano ang aming isinagawa.

I need my wife safe.

Loving Mrs. PiscesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon