KABANATA I

63 39 23
                                    

Forlorn

"Nasaan na ba yun!? Letche!"

Muntik ko ng naitapon ang kapeng dala-dala sa nakakabinging pagsigaw ni Mama. Itinaas niya ang lumang bestida at padabog na bumababa sa kawayang hagdanan.

Dahan-dahan kong inilagay ang kape sa harap ni Tiyo Tasyo at muling bumalik sa kusina. Alanganin kong sinilip ang lumang orasan sa ibabaw ng aparador. Mag aala-syete na. Kung papalarin nga naman ay pang-limampung beses ko na pala  itong mahuhuli sa klase.

Umirap ako sa kawalan. Palagi nalang. Bumuntong hininga ako at itinabi na ang mga sunog na panggatong. Inilagay ko ang mga pritong hotdog sa pinggan at tinawid na muli ang daan patungo sa hapag.

"Nawawala ang perang pambayad sa kuryente! Aba'y due date na ngayon. Tasyo! kinuha mo ba ang pera?!"

"Aba malay ko Lucita, mag hapon ako sa sabungan kahapon. Tsaka, ba't ko naman iyon pagdidiskitahan e pwede naman akong manghingi."

Pasekreto akong umirap sa narinig. Walang kwenta! Bilib din talaga ako sa apog nitong panibagong asawa ni Mama. Hindi ko alam kung anong kalidad ang nagustuhan niya rito. Kalbo ito kahit noong una kaya't malabong sa buhok. Malaki din ang bilugang mata na nagmistulang kinukumbulsyon. Kaugalian din nito ang pagdila sa may kaitiman nitong labi kaya't nagmumukha siyang palaging gutom.

He looks just like an addict goon at those action TV shows.

"Mama.."

Napatingin ako kay Lusya, tinitigan niya muna ako bago binalingan  si Mama. Iyong tingin na 'yon... ano naman kaya ang pina-plano nito.

"Yung pera po bang nasa hapag kahapon?"

Muli niya akong sinulyapan at tipid na ngumisi. Huwag niyang sabihing...

"Nakita ko po na kinuha iyon ni Callista mga bandang tanghali."

My eyes widen unbelievably.

"Totoo ba Callista?"

Binalingan ako ni Mama. I shook my head vehemently. Hindi ko iyon gagawin.

"Hindi.."

"Ma, bakit hindi natin tingnan sa kwarto niya. Wala namang magnanakaw na umaamin."

Muli ay tiningnan ko si Lusya. Anong pinagsasabi nito? The nerve of her to accused me.

I sighed.

Then so be it. Hindi ko kailangang mabahala dahil alam kong wala akong kinukuhang kahit ano. Binigyan ako ni Mama ng isang masamang tingin bago umakyat. Lusya giggled before following.

Halata naman sa mukha ni Lusya na tila nang-iinis lang ito ngunit hindi man lang ito pinansin ng butihin kong ina. I twitched my lips to suppress my frustration. Hindi na naman bago iyon hindi nga lang talaga ako masanay-sanay.
 

Lumipad ang paningin ko kay Tiyo Tasyo nang maramdaman ko ang paninitig nito.
Ngumisi siya, isang malaswang ngisi. Revealing his crooked teeth painted with yellow-orange tartar. Ngumiwi ako at bahagyang lumayo sa kanya, palagi niya akong ganoon titigan kapag kami lamang dalawa. And I'm ain't that stupid to not figure out how illegal his thoughts are. Ngunit imbes na magsumbong ay ini-ignora ko na lamang. It'll just turn out to be my fault anyway.

"CALLISTA!"

Dumagundong ang boses ni Mama.

It was so bold and loud that I'd flinched. Tumigil sa kalagitnaan ang aking pahinga. Hawak niya sa kanyang pasmadong kamay ang pera. Habang nakabuntot naman sa kanya si Lusya na ngayo'y hindi na  maitago-tago ang ngisi. Paano? Paanong na punta iyon sa mga gamit ko? Wala akong kinuha!

Oblique Flames Of Beauty ( Universidad de Cebu Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora