KABANATA V

42 33 19
                                    

Work

"A... Duke de Alba?" I repeated.

Ilang beses akong napakurap. I am totally shocked with it. Amelia raised her brow before nodding waveringly. Giving me a hint of her expression that she was shocked too when she first knew it. So... he must be connected to Silas.

How unlucky. I somehow dislike the idea of getting involved with those aristocrat's over and over again.

Muli kong sinipat ang calling card. So it's Saber..
I see. Was he already a bachelor? Though he absolutely looks too young to be one.

Inilagay ko sa aking bulsa ang calling card. Slightly anticipating that it could actually help me.

"Naglayas ka?"

Napatingin ako kay Amelia, she was looking intently at my ragged bag na lubong-lubo dahil sa pagkapuno.

Walang buhay akong tumango. For a moment, that sympathy again flashed beneath her slightly sleepy eyes. Ngunit ka agad ring nawala. Para saan ba talaga yun?

"May matutuluyan ka ba?"

Umiling ako. "Sa ngayon wala ho, pero maghahanap ako ng trabaho kahit part-time lang total patungong summer na din naman."

Bahagya ko siyang sinipat ng mabuti, may kakaiba talaga sa kanya. She mostly look as if like she's always hesitating.

"Ganun ba? Susubukan kong mag inquire-"

"Ah. Hindi na. Ako nalang ho kaya ko naman din siguro. I'm not getting any younger after all, might as well train my luck." Ngumiti ako ng magaan.

Big word coming from me. Sana lang hindi ako pangunahan ng kaba, gamitin din ang kunwaring natutunan tungkol sa public speaking at interactions sa senior.

"How enthusiastic," she grinned.

Napatingin ako sa aking teleponong nasa ibabaw ng mesa nang tumunog ito.

Napailing ako nang makita ang pangalan ni Silas bilang caller. Makahulugan akong tinitigan ni Amelia. Silas Duke de Alba kasi ang pangalan na inilagay ko para sa phone book.

"Sagutin ko lang."

Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Amelia at kaagad ng nagtungo sa labas. Umupo ako sa isang may kalakihang bato na napapagitnaan ng maliliit na paso ng bulaklak. Tinitigan ko muna nang ilang segundo ang aking telepono bago dahan-dahang pinadausdos ang aking daliri sa green button.

"Hey. Ano 'yon? The text."

Naitaas ko ang aking kilay dahil sa seryoso nitong pananalita. How unusual of him.

"Let's break up."

"Calli, no."

My brows furrowed into confusion dahil sa matigas niyang pag hindi.

"Ha?"

Narinig ko ang pagbuga nya ng hangin.

"Ayaw kong makipaghiwalay."

Sarkastiko akong humalakhak. "Silas, wag mo akong patawanin na para bang ganoon tayo ka seryoso in the first place. As if you didn't get laid with some random chick just awhile ago."

I rolled my eye kahit hindi nya ako nakikita.

"Paano mo nalaman.. Are you jealous?"

Malutong akong napahalakhak sa narinig. Nagtagal pa iyon na halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa.

"Callista, What the fuck!"

I'm not jealous, just disappointed. Pero wala na namang rason upang pag-usapan pa. My decision is final. Siguro kung para sa iba, itatali o pipikutin na nila ang isang Silas Duke de Alba. But me..never. I'm too busy, too shattered, and too insufficient to think about those stupidity.

Oblique Flames Of Beauty ( Universidad de Cebu Series 1)Where stories live. Discover now