KABANATA IV

37 35 19
                                    

Duke de Alba

Mismong alas siete y media na nang marating ko ang sira-sirang kalawanging alambre na nagsilbing gate sa maliit na bakuran ng bahay.
Bahagya akong nagtaka nang mapansing madilim ang buong paligid, nakatiwangwang rin ang nakabukas na bintana sa gilid ng pinto.

Nasaan sila? Tahimik ang buong bahay, tanging ang mga tuyong dahon na aking natatapakan ang maririnig. Kaagad kong binuksan ang pintuan at gamit ang flashlight ng aking telepono ay hinanap ang plag ng kuryente at sinaksak sa plate nito.

Walang nagbago sa loob nang mabuksan ko na ang ilaw. Magulo parin ang mga upuang nakalagay sa mga ilalim ng mesa, kitang-kita rin ang nagkalat na mga plato sa lababo. Tanging wala lang talagang katao-tao.

Pinulot ko ang isang pahina ng lumang kalendaryo na nasa mesa, at napagtanto na may nakasulat sa likod nito.

Birthday ngayon ng pamangkin ni Tasyo, maglinis ka riyan at labhan mo na rin ang mga maruruming damit namin.

Ngumiwi ako matapos mabasa ang nakasukat na halos di ko na maintindihan. Siguro'y kinalimutan na ni Mama ang kanina. Natural na nga siguro sa kanya na basta nalang makalimot agad.

Matapos kong magbihis ay kaagad na akong nagwalis sa buong bahay. Naghugas ng pinggan na naabutan pa ng ilang minuto dahil sa mga tumigas na labing mga pagkain. Marahil ito pa iyong mga ginamit kaninang umaga. Matapos ang lahat pati na rin ang paglalaba ay kaagad rin akong nakatulog sa aking kwarto.

Nagising lamang ako nang makarinig ng mga yabag, kaagad akong bumangon kahit na nahihilo pa ng konti. Ilang minuto rin akong nakinig sa paligid ngunit wala na akong marinig na kahit ano. Muli akong humiga at napatunganga na lamang sa sira-sirang bubong, pumapasok pa ang liwanag ng buwan sa mga butas na nagmistulang sinag.

Hindi na ako makatulog. I've checked my phone just to see that it's already 3 o'clock in the morning. Sa halip na piliting matulog ay kumuha ako ng ilang piraso ng damit sa kartung pinaglalagyan ng aking mga gamit at lumabas sa kurtinang nagsilbing pantakip sa aking silid.

Nagdesiyon ako na maligo na lang. Nag-igib muna ako ng tubig sa pusong nasa labas bago nakaligo. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagsa-sabon ay natigilan ako nang mahagip ng aking mga mata ang pamilyar na matang nakasilip sa butas ng pinto.

"Tiyo!" malakas kong sigaw at dali-daling kinuha ang tuwalya para pagtakpan ang aking sarili.

Marahas kong binuksan ang pinto na kung saan nakatayo rin si Tiyo Tasyo na tila nagulat rin. Habang hindi pa siya nakakabawi ay pinukpok ko ng malakas sa kanyang ulo ang tabo dahilan ng pagkasira nito.

"Anong nangyayari? Tasyo!" sigaw ni Mama.

Napakurap ako nang makitang dinaluhan niya si Tiyo Tasyo na kung saan dumudugo ang sentido ngunit hindi naman malala.

"Ma, binubusuhan nya-"

Hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin dahil malakas na sampal galing kay Mama ang bumulaga sa akin. Sa sobrang sakit nito'y nangilid ng konti ang aking luha at namanhid ang aking pisngi.

"Ipokrita ka! Walang kang utang na loob! Pinakain at binihisan ka na nga ganyan pa ang isusukli mo!"

Nagtiim-bagang ako sa sinabi ni Mama.

"Ikaw na nga itong inalagaan ng Tiyo Tasyo mo, ikaw pa ang mayganang mambintang-"

"Ganun ba Ma?!"

Napaatras si Mama sa pagsagot ko. Kailanman ay hindi ako sumagot sa kanya ngunit hindi ko na talaga mapigilan ngayon.

"Dapat ba akong magpasalamat kung ganun?!". mapait at sarkastiko akong humalakhak.

"Tatlumpong taon Ma. Tatlumpong taon matapos mamatay si Papa hindi ko na naramdaman na parte ako ng pamilyang to! Iyon na ba 'yon? Ang tinutukoy niyong aruga? Ang ikulong ako at alilain?!"

Muli akong sinampal ni Mama.

"Wala kang galang-"

"Oo! Talagang wala akong galang, pero ni minsan ba Ma naisip mo rin yung nararamdaman ko? Ni m-minsan ba nakonsensya ka rin sa mga pagpapahirap mo sakin!?"

Sa galit ko'y hindi ko na napigilan ang maiyak. Bwesit na buhay! Tinitigan ko si Mama ngunit wala akong makitang kahit ano sa kanya maliban sa mga mata niyang miminsang tumitingin kay Tiyo Tasyo ng may pag-aalala.

"Lumayas ka sa pamamahay na ito," aniya ng hindi ako tinitingnan.

Tumawa ako ng pagak.

"Hindi na! Aalis din naman talaga ako!"

Matapos ko iyong sabihin ay kaagad akong pumasok sa kwarto at nagbihis. Agaran ring ipinasok sa aking bag ang iilang gamit na mahalaga.

Pagkalabas ko'y natagpuan ko si Mama na ginagamot ang sugat ni Tiyo Tasyo, sa gilid nya'y si Lusya na mugtok ang mata sa di ko malamang dahilan, masama ako nitong tinitigan. Muli kong sinipat si Mama ngunit kahit na sulyap ay wala akong natanggap sa kanya. Gamit ang mabibigat kong yabag ay lumabas ako at padabog na isinara ang pinto.

Marahas kong pinahid ang mga luhang tumutulo sa aking pisngi habang nasa daan. Inaamin kong nasasaktan ako sa walang kapake-pakeng reaksiyon ni Mama. Ayaw ko talaga siyang iwan dahil siya na lang ang pamilya ko ngunit sobra na ang pagtutulak niya sa akin.

That's what you probably get from loving. If you loved you'll get hate. Mas mabuting hindi nalang.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko'y tumunog ang aking telepono. Kita kong may ipinasa na mensahe si Clara sa aking messenger account.

Clara:
Calli, I don't wanna hurt you pero I really think you need to see this.

Matapos ng mensaheng iyon ay may pinasa siyang video. Out of frustration, I'd heavily wiped my face with my hand.

It was Silas. Sa isang sopa na sa wari ko'y nasa loob ng bar. Him making out with some A-type chick. Bumuga ako ng hangin at sinipa ang maliit na batong nasa daraanan ko. I don't feel like crying over what I've saw but I am very disappointed with it.

Alam ko naman na kung sino-sinu na ang mga babae niya bago pa man naging kami. He's the playboy type. Nag-expect lang siguro ako ng sobra na rerespituhin niya ang aking presensya. Atleast not cheat while I am still around with him.

Not like I could actually give that thing to him either. Dahil hindi iyon mangyayari, pero hindi rin siya kailanman nagsabi sa akin patungkol sa mga ganoon. For 7 months, he didn't asked for it, for that moment Silas the badboy had somehow vanished.

Or was it just merely my perspective?

Well I didn't expected him to love me either because aside from I don't love him too. I have nothing but my shattered ego.

Muli kong tiningnan ang aking telepono at nagtipa ng mensahe para kay Silas.

'Let's break up.'

Yun lang at ipinadala ko na ito. Matapos ay ibinalik ang telepono sa aking bulsa at tinahak ang daan patungo kay Amelia.. And to that guy..

Kasabay ng pagkatok ko sa pinto ng bahay ni Amelia ay ang pagtilaok ng mga manok, hudyat na umaga na nga. I waited for about two minutes before the door had opened. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Amelia, ngunit agad rin itong napalitan ng pag aalala. Probably noticing my bloodshot eyes and my luggage.

"Are you okay?"

Tumango lamang ako sa naging tanong ni Amelia at ininom ang tubig na ibinigay niya sa akin.
To my surprise she didn't ask further from that.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid.

"Where is he?"

Kumurap siya matapos marinig ang aking tanong. May kinuha siya sa bulsa ng suot niyang polo shirt ay ibinigay ito sa akin.

Kumunot ang aking kilay sa nakita. "A card?"

Tumango siya sa akin.

"Umalis na siya pagkagising. But he made me keep that. Ibigay ko raw sayo. Call him if you need anything as a sign of gratitude.

Pinaglapat ko ang aking mga labi at muling sinipat ang card. I was stunned when I'd read the name written at it.

SABER TRANQUILLION DUKE DE ALBA

Oblique Flames Of Beauty ( Universidad de Cebu Series 1)Where stories live. Discover now