Chapter 6

11 1 0
                                    

Chapter 6

Wala sa sarili akong naglalakad sa pamilihan. Nababablangko pa ako sa mga nangyayari.  Nalaman narin ni ama ang nangyari sa Akin sa palasyo kaya mas lalo siyang nag-alala sa Akin.

Tinakasan ko na naman si Boyoung sa bahay na nagdidikdik ng mga monggo para sa bago niyang gagawing pampaganda.  Walang ka ideya si Boyoung na andito ako sa pamilihan at iniwan ang mga binuburda ko.

"Binibini, p--pwede po ba makahingi ng pagkain po. Nagugutom na po ako! "

Matamlay na sabi ng isang batang paslit ang andito sa harapan ko. Maputla at parang nagmamakaawa ang kanyang mukha. Marumi ang kanyang kasoutan at ang dungis niya din tignan. Kunti-kunti nalang ay matutumba na siya sa kinatayuan niya. Nakahawak rin siya sa tyan niya.

Sa sobrang awa ko lumuhod ako para makapantay ko siya. Buti nalang may dala akong pera kanina bago ako umalis ng bahay.

"Sige, bibilhan kita.  Pero maari ko bang malaman ang iyong pangalan? "

Tumango lang ang bata bilang pagsagot. "Ako po si Jin so ?"

"Ahh,  Jin so! "

Ngumiti ako saka tumayo .Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa isang ginang na nagtitinda ng mga lugaw

"Isang takal po na lugaw ,Madam! ",tumango ang ginang at nagsimula na magsandok. Ang isang takal nila ay marami na at kaya na ubusin ng dalawang tao.

"Dalawang Yang! "

Kinuha ko sa ilalim ng damit ko ang isang pouch na naglalaman ng mga tanso . Isang piraso tanso, ay isang Yang.  Kumuha ako ng dalawa at binigay ko sa kanya.

"Salamat po! ",sabi ko sa ginang. "Jin so, doon na lang tayo uupo, no. Gusto mo? ", aya ko sa kanya sa malinis na bangketa kaso umiiling siya. "Bakit? "

"Doon nalang tayo sa gilid binibiniGutom na po ako? "

Hindi ko maintindihan kung bakit parang takot siya sa  mga tao rito kung tutuusin ay kaunti lang naman ang taong umuupo dito.

"Wag ka matakot.  Ako bahala sayo,  hmm! "

Kaso umiling padin ng bata.

"O sige! ", pagpayag ko.

'Madam, hiramin ko muna sandali itong mangkok niyo. Wag po kayo mag aalala ibabalik ko po ito pagkatapos! "

"Sige, iha. Paki-ingatan mo nalang din kasi yan na nalang natira kung disenyo ng mangkok ko! "

"Sige po! "

"Tara! "

Iginiya niya ako sa lugar na gusto niyang puntahan.  Bitbit ko naman ang mangkok na natakpan ng dahon ng saging.

Mahigpit  ang pagkahawak niya sa
aking kamay. Nauna siyang naglakad habag hila-hila niya kamay ko. Napapangiti ako  nakatingin sa aming kamay na magkahawak.

Nagulat ako ng huminto siya at napabitiw sa kamay ko. "Jinso! "

Sinundan ko kung saan nakatingin si jin so .Sa tatalong lalaki na kasalukuyan ngayon naglalakad palapit sa amin.

The love of a Prince in 1824Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon