Chapter 7

13 3 0
                                    

Chapter 7


"Ashi "

"Hmmmm! "

"Ashiii! Gising na !"

"Boyoung,inaantok pa ako! "

"Tanghali na,Ashi. Kailangan mo na maghanda!"

"Hmmm! "

"Ashi, gising na.  May importe akong sasabihin sa inyo! "

Pagkabukas ko ng mata,  mukha agad ni Boyoung ang bumubgad sa akin.  Nakadungaw siya.  Sa sobrang gulat niya sa pagbiglang pag upo ko ay halos matumba na siya.

Antok na antok pa akong nakatingin sa kanya.  "Ano ba sasabihin mo? "

"Siguradong matutuwa ka pag nalaman mo akig magandang ibabalita pero kailangan mo munang umupo sa iyong paselya! "

Inalalayan akong umupo sa aking maliit na lamesa saka niya niligpit ang aking pinaghihigaan. Humihikab-hikab akong tinitignan siya hangang sa matapos.

Halata naring mataas na ang araw dahil pumapasok na ang sikat ng araw sa bintana ng kwarto ko. Nakakasilaw rin ang liwanag ng paligid . Para na akong susunduin ni San Pedro sa lagay na ito dahil sa nakaputing kasoutan rin ako.  Nakikiayon sa lagay ng panahon.

"Ano sasabihin mo ba sa akin? '

Ngumiti siya sa akin na ikinataka ko.  Anong meron kay Boyoung at mukhang nasa mood ,ate niyo?

"Si Ministro Jong nalang ang mag sabi sa inyo at gusto karin niya na makausap! "

Hanudaw?

"Huh! "

Inaantok pa talaga ako. Late na kasi nakauwi kagabi kasi hinatid pa namin ni Prince Lee, si Jin so sa nanay niyang may sakit saka inihatid din ako ng prinsepe kagabi.  Buti nalang at hindi alam ni ama na ginabi na ako umuwi.  Binigyan ko ng tig tatlong yang ang tatlo guwardiya nakahuli sa akin sa bahay kagani para hindi sila magsumbong kay ama.

"Sandali lang ,ashi! "

Tumango-tango lang ako kay Boyoung hangang sa makalabas siya. Pinatong ko aking kamay sa mesa saka ko rin pinatong ang ulo ko sa kamay. 

"Lady Kim! "

Napa-ayos ako ng upo na marinig ko ang boses ni ama. Ano meron?  Bakit ang aga naman ni ama bumiseta sa kwarto ko?

"Ama,  ba't naparito po kayo ng ganito kaaga! May problema ba ?,"bungad ko sa kanya. 

Umupo siya maliit at manipis na cushion sa harap ko. 

"Hindi ito problema anak kundi isa itong malaking karangalan. Hindi ako makapaniwalang ikaw ang mapipili nila! "

"Huh! ....Mapipili saan?"

Anong mapipiliSaan?

The love of a Prince in 1824Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon