Chapter 30

1.8K 42 6
                                    

Seventeen



Hindi naman nakakasakit ng tiyan ang kinain niyang barbecue. Kung masarap ay hindi rin siya sigurado. Masyado siyang galit para malasahan ang kinakain, nawalan siya ng gana pero pinilit niyang kumain dahil baka naman magtaka ang kanyang mga kaibigan.

They had rode a yatch about 1 pm, maaga kesa sa plano kaya naman bumaba na sila kinagabihan. Ayaw daw ni Tamara sa yate matulog kaya umuwi nalang sila.

Malalim na ang gabi, nasa balkonahe siya ng kwarto paharap sa dagat habang may hawak na tube ng ice cream, nagse-stress eating siya, sobra siyang nasi-stress sa pinsan niyang gago.

Talagang namimirmi na sa kanyang dila ang paulit-ulit na mura para rito. Buti naman at pagkatapos ng insidente kanina ay hindi na ito nagpakita pa.

Kasal na daw ito?

Paano niya sasabihin kay Tamara? Di niya iyon kakayanin! Di pa siya ganoon ka kalakas upang tumanggap ng panibagong dagok.

At pinasabihan pa siya nitong maghintay. No way!

Huminga siya ng mabigat bago sumubo, it's a spoonful, pinatagal niya sa bunganga kaya naman tila namanhid ang kanyang dila, di pa rin naaalis ang kanyang inis.

Binalingan niya ang kanyang cellphone, naiinis rin siya kay Yusuf, wala man lang text? Gabi na, wala pa din!

Kanina pa siya naghihintay, huling tawag iyong kaninang pagsapak niya kay Archer.

Ang sarap ibato ng kutsara dito.

She's not demanding, nahihiya kasi siyang unang tumawag o kaya mag text kaya siguro ganito.

But he's her fiancé now, siguro 'wag na muna ang hiya, namimiss na niya e.

She held her phone tightly, hinanap ang number ni Yusuf at tinawagan, walang sumagot sa unang ring.

Ay?

Kaya mo pala akong ganituhin Yusuf!?

Magte-text na sana siya nang may mahinang kumatok sa kanyang pinto, si Therese palagay niya.

"Bukas iyan Therese!"

She opened the mesage and typed.



Where are-




Natigil ang pagtipa niya nang marinig niya ang banayad at pamilyar na tikhim. Lumingon siya sa loob ng kwarto, nais mahulog ng kanyang panga sa naabutan ng mata! Napatayo siya ng wala sa sarili at nagmamadaling pumasok.

He's here again! Ang sabi sa weekend pa.

Inside her room, standing mightily on his white shirt dress and black pants. Tila lumiit ang kama dahil nakatayo ito sa gilid.

"Yusuf..." tila nalilipad niyang bigkas, lalo lamang humilo ang utak niya nang makita ang nakalapag na travelling bag sa sahig.

Ngumiti ito sa kanya bago siya walang pasabing literal na dinampot. Hawak siya nito sa beywang at mahigpit na niyapos.

Naisampay niya ang mga braso sa balikat nito ngunit hindi niya ipinulupot dahil hawak niya ang cellphone at sa isang kamay ay ang tube ng ice cream.

"I missed you." He sweetly whisphered.

Mahina ang boses ngunit napakalakas ng tama niya. Niyanig siya noon ng matindi. She bit her lips so hard not to chuckle.

"I missed you too..."

Umatras ito patungo sa kama, napahigpit ang kanyang hawak sa mga dala nang umupo ito at nanatili siya sa kandungan.

Gosh!

STRAWBERRY WINE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon