Chapter 38

2.2K 43 8
                                    

Sapore D'amore



Kara breathed heavily before going out of the car, kakatapos lang ng Chinese New Year ngunit nakatanggap agad siya ng imbitasyon papunta sa bahay ng mga Arnaiz.

"Do I look okay?" Tanong niya kay Franco na siyang nagbukas ng pinto ng kotse.

"Stunning."

Tsk.

Inirapan niya ito bago hinarap ang pinto ng mansion, may nakaabang na agad doong kasambahay upang igiya siya paloob.

The invitation came from Rory Arnaiz to be exact, nag-alagan pa siya kung pupunta o hindi dahil sa totoo lang, matapos makulong si Ember ay hindi pa niya ito nakakausap.

Yes, Ember was imprisoned, gusto niyang iatras ang kaso, afterall, nakakasama niya rin naman ito, lumaki siyang palagi itong nakikita and she's Yusuf step sister, ngunit ayaw ng kanyang mga magulang.

She thought that this will affect the wedding, ngunit hindi naman. Iyon nga lang, tila nahihiya siyang kausapin si Rory, ewan niya, alam niyang si Ember ang may kasalanan ngunit di niya mapigilang mailang.

She had once visited Ember in the prison, she said sorry but still admitted that she loves Yusuf and it will not change forever.  Tumango lang siya roon, how can she renew someone's heart, someone's feeling? Sa lahat ang parte ng katawan, the heart was the most stubborn, it's too hard, hindi napapasunod ng utak. Pag sinabing tama na, it will tease more, it will tempt more. Kaya paano niya mapagbabawalan at patitigilin si Ember?

Tila ilang segundo pa siyang nakatayo roon, handa na siyang sumunod sa kasambahay nang lumabas na si Rory upang salubungin siya. Nakangiti itong lumapit.

"Kara..." humalik ito sa kanyang pisngi. "Salamat at pinaunlakan mo ako," yumakap ito sa kanya bago tiningan ang kanyang mukha. Tila ang gaan ng bawat hagod ng mata nito sa kanya ngunit... ayaw siyang tigilan ng ilang.

She wanted to look away but that would be so awkward, masyado siyang mapaghahalataan noon. So she faked hard the calmness she's showing.

"Ako nga po ang dapat na magpasalamat tita... thank you po dahil... kahit paano hindi po nagbago ang tingin niyo sa akin."

That was true, in their few encounters, her actions towards her remained gentle.

Rory smiled curtly before guiding her inside the house. Umupo sila sa sofa, ipinahahanda na raw nito ang hapag.

She sat beside her, her mind is thinking of what might be the proper reason for Rory Arnaiz to call her here.

Hindi naman siguro nito siya aawayin.

My God Kara! Do you think she's that childish!?

"I'm sorry Kara..."

Gulat siyang napatingin sa gawi nito. The woman's face is serious but the gentleness... she's always so gentle, namana ni Ailaj ang istruktura ng mukha nito, ganoon din si Ember.

Mukhang tila hindi makakagawa ng kasalanan.

Dahan-dahan nitong inabot ang kanyang kamay, nakulong ang kanyang isang palad ng dalawa nitong maiinit na palad.

"I should have done this sooner, ngunit wala akong mukhang maihaharap sa iyo. Believe me, I am smiling in front of your parents... ngunit ang totoo niyan, nahihiya ako."

Hindi lang pala siya ang nakakaramdam ng ilang.

"Tita..."

She smiled faintly. Walang maidugtong sa nais nitong sabihin.

"Aaminin kong nasaktan ako, hindi ako makapaniwalang kayang gawin iyon ni Ember, she's my daughter, I treated Yusuf as my son, sa paningin ko, magkapatid sila... I never knew... Hindi ko man lang nabantayan ang anak ko. Nakikita ko siya ngunit hindi ko pala siya nagabayan ng tama, hindi ko pala siya lubos na kilala... I'm sorry Kara for what she did to you."

STRAWBERRY WINE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon