XXI

709 18 2
                                    

JAYSON BICLAR

CHAPTER 21

Nakatambay kami sa damuhan malayo layo sa bayan. samantalang sila nag paalam na sa punong baranggay at nagseset up na. Next scene na kasi yung amin kaya kailangan na daw pagpractisan sabi ni Lalaine.

" Janine bili muna tayo dun!" Sabi ni Julia. Tumango naman si Janine at sinamahan si Julia. Ako nalang mag isa dito. Pano kaya makakapagpractice?

mamaya may dumating na nakacostume. Costume ng killer sa scene namin. Angas!

" Bagay pala sayo. Jan-- " napahinto ako ng naalala ko. Umalis nga pala sila Janine. Eh sino to? Hinayupak bigla akong kinabahan ha.

" Tara practice na!" Sabi ko. Nagsign siya sakin na mamaya na at umupo sa harap ko.

" Kinakabahan ka?" Tanong ko sa kanya. Siya naman napakunot ng noo. Halata naman kahit naka Gas Mask siya ng pagka kapal kapal at naka jacket na itim. Yun lang ang di ko alam; babae ba siya o lalaki. Pero sa tindig at pagkilos niya, tiyak babae to.

" Alam mo na, sa sunod sunod na pag patay sa tin. " mejo nagulat ako sa sinabi ko. T-teka, bakit ba kasi ang daldal ko! Baka siya na yung killer!

" B-bata pa tayo at Grade nine palang. i mean THIRD year diba? High school palang tayo. Bakit nararanasan na natin to? Bakit nawawala na agad tayo. Ganun. " sabi ko. Napa angat balikat nalang siya at tumingin sa gilid.

" JAYSON ANO BA! SABI KO MAG ENSAYO HINDI TUMUNGANGA!" sigaw ni Lalaine na galit at papalapit ng papalapit samin.

" uy dali galit na si monster ay master pala!" Sabi ko. Si Janine to eh, sino pa bang iba? Haha.

nang malapit si Lalaine, tinaas niya yung kutsilyong laruan na ginawa namin kanina.

T-teka, Ang sakit. Iba yung pinantusok niya. T-totoong kutsilyo yung ginamit niya. Tuloy tuloy yung pagsaksak niya sakin. Totoong dugo na yung tumutulo sakin. Tuluyan nakong nanghina at may lumabas nalang na Dugo sa bibig ko.

tinitigan ko siya habang sinasaksak ako. May mga tao sa likod niya. MARAMI SILA. Kilala ko sila. Mga kaklase ko dati... na namatay na.

Si Justine. Si Louisse. Si Erika. Si Kirby. Si Charm. Si Ephraim. Si Dave at Si Gail.

Lahat sila nakatingin lang. Walang ka ekspe-ekspresyon ang mukhang tinitingnan ako.

" T-tulungan nyo ko.." bulong ko sa sarili ko. Biglang dumating na si Julia, Janine at Lalaine na nagulat. A-akala ko si Janine ang kasama ko.

" Nice! Yan ang Acting na gusto ko! nakapagpractice na pala eh, Janine, ganyan ang gagawin mo ha? Tara na" sabi niya. Yung babaeng kasama ko kanina, umalis na at naglalakad na ng malayo. Unti unti ng pumikit ang mga mata ko. Hanggang sa nawalan nako ng hininga.

xxx

Class: Grade Nine Section Love (#wattys2017)Where stories live. Discover now