XXVIII

628 23 0
                                    

GHAEL OLIVAR

CHAPTER 28

Maaga akong pumasok dahil may ipapagawa daw sa akin yung bagong teacher namin. Ako inuutusan nya dahil ako yung unang sumagot sa kanya kahapon. Nakakatawa siya. Bakit ko naman siya susundin? Tatambay lang naman ako dito sa room namin kesa sumunod ako sa ipapagawa niya.

Pumasok ako sa room at nilock ang pinto. Sinara ko din mga bintana dahil baka makita ako dito at palabasin.

Naglagay ako ng earphone at nagpatugtog habang naglalaro sa cellphone.

" GHAEEEEEEL!!!!!!!!" napalingon ako sa pinto dahil sa lakas ng sigaw. Mas nangibabaw yung malakas nyang boses kesa sa pagpapatugtog ko.

Nakita ko siyang may hawak na kahoy ay hinampas ito sakin.

" Ghael.. Ghael gising!" Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko siya. May hawak na kutsilyo. Pilitin ko man magsalita o gumalaw di ko magawa dahil nakatali ako 

" hmmph " namilipit ako sa sakit ng daplisan niya ang mukha ko.

" Ayaw mo pang mamatay diba? Edi uunahin kita. Napakalaki ng kasalanan mo sakin. Ngayon gaganti ako. Gagantihan ko kayo. " sabi niya at sinaksak ako sa tiyan.

" HMMPPPHH" napaka sakit. Hindi niya binigla. Dinahan dahan niya. Ramdam na ramdam ko ang kutsilyong bumaon sa tyan ko.

" hindi mo alam kung pano mabully. Hindi nyo nararamdaman ang nararamdaman ko. Nung panahon na talong talo nako, walang tumulong sakin. Dahil lahat kayo, pinagtutulungan ako! Matagal kong dinibdib lahat. Matagal akong nagtiis at ngayon nagbabalik nako. Ang hirap magtago. Ang hirap magtago ng nararamdaman pero sakin ang madali? Ang patayin kayo." Sinaksak niya ulit ako sa dibdib. Gusto ko siyang sipain at tumakbo pero hindi ko magawa dahil sobrang higpit ng lubid na nakatali sa katawan ko. Umiling iling nalang ako sa kanya at nagmakaawa.

" Wala nang makakapigil sakin. Iisa isahin ko kayo. Makakaganti nako. Hahahah" tumawa siya ng parang demonyo at nagalit ulit. Saka tinapat sa noo ko yung kutsilyo.

"AAAAAHHHH!!!"

***3rd person's POV

" Gosh! "

" Anong nangyare?!"

" Sino nanaman gumawa niyan?!"

Isa isa silang sigawan sa loob ng kanilang classroom. Nilock muna nila yung pinto para walang makapasok o makakita.

" G-ghael..." mangiyak ngiyak na sabi ni Lalaine.

" K-kakapasok lang natin ah! Sabay sabay naman tayong pumasok! Sinong gumawa nito?" sabi ni Sapphire.

" Oo nga! Sino bang nauna dito?" Pagsang ayon ni Kiara.

" di kaya.. si Sir?" Napatingin kaming lahat kay Philip

Napaupo lahat ng pumasok ang kanilang guro. Lahat sila kinakabahan. Lahat sila natataranta.

" Good Morning Class" sabi ng guro. Hindi naman sumagot ang klase kaya umiling iling nalang siya.

Habang nagtuturo, naka-amoy siya ng kakaiba.

" Ano yung Amoy na yun?" Mas nataranta ang klase ng sabihin iyon ng guro. Lumapit ang guro sa cabinet na pinaglalagyan ng bangkay ni Ghael.

Nang buksan niya ito, agad nahulog ang nangangamoy na bangkay.

" Aaah!!" Maikling sigaw ng guro. Dali daling tumawag ang guro ng pulis at sinabing may bangkay.

Maya maya ay pinalabas ang mga estudyante ng dumating na ang mga pulis at ambulansya. Dumating din ang prinsipal.

Pinapasok sa isang sasakyan ang section love kasama ang guro na iinterview-hin ng pulis dahil sa insidenteng nangyari. Nilagay na nila ang bangkay ni Ghael sa Ambulansya at umalis na.

xxx

Class: Grade Nine Section Love (#wattys2017)Where stories live. Discover now