XXX

660 16 0
                                    

NATHAN GONZALES

CHAPTER 30

" Ang baho naman, Amoy Basura!!" Sabi ng isang babae na malabo sa aking paningin.

Nasa loob sila ng isang lumang kwarto ng iskwelahan. Napadaan ako at nandun sila sa loob. Tumingin sakin yung isang babae na umiiyak.

tulungan mo ko.. Parang awa mo na " binilisan ko ang lakad ko at nakita ko nalang na sinabunutan siya ng mga babae at pinagsasampal at kinaldkad hawak ang buhok.

" Oh ano? Hihinto kapa? Gusto mo ikaw ipalit namin sa babaeng to?  " pagkakita ko sa babae na iyon, hindi nako nag alinlangang tumakbo.

Wala akong magagawa dahil first week iyon ng pasukan at ako ay hamak na transferred lang sa paaralan na iyon. Hindi ko sila kilala.

Kinabukasan, pumasok ako sa nakatakdang room sakin. Naabutan kong wala silang guro. Nagkakagulo sila.

Nakita ko yung mga babae na nakaupo at yung binubully nila na nakatingin sakin.

" Oy new Classmate! Ano pangalan mo?"
" Nathan. "

" Ako nga pala si Dave Lorenzo! At kami ang Section love. Masaya dito samin, magEenjoy ka!" Tumango nalang ako.

" HUMANDA KA.... SA HINDI PAGLIGTAS SA AKIN... NATHAAAAAAAN!!!!!"

NATHAAAAAAN!!!" Napabangon ako sa gulat. Nananaginip pala ako? P-pero, yung panaginip na yun... Totoo yun ah? Nangyari sakin yun First week of School.

" Ano ka ba namang bata ka! Tanghali na ano! Malelate kana!" Bumangon ako sa higaan at sinunod si Mama.

Pagkadating ko sa school, wala pang tao. Nasaan kaya sila?

" Pst! " napalingon ako sa tumawag sakin.

" Oh late ka rin?"

" Maaga pa ah? Maaga para bukas! Ahahahaha " sabi niya.

" Asan sila?" Tanong ko.

" Ah! Pina-Community service ni ser. Pupunta ako sa forest. Nagtatanim na kasi sila dun sama ka?" Tanong niya.

" Oo sige! Ayokong magisa dito " biro ko. Tumawa lang siya at umalis na kaya sumunod ako sa kanya.

Pagkadating namin sa forest, wala naman akong nakita kahit sino dito. Kaya kinabahan nako.

" Wala naman sila dito eh " Aniya.

" Sino ba nagsabing nandito sila?"

" Wala..." Sabi niya at humarap sakin. May nilabas syang patalim sa likod niya. Lumakad siya papunta sakin ng nakangiti. Nakangiting demonyo. Ako naman Umatras. Liliko na sana ako ng bigla akong ma- out of balance kaya nahulog ako sa isang hukay. Malalim na hukay.

Teka, wala naman to kanina. Bakit nagkaron?

" Hindi mo napansin no? Lakas magtago ng hukay ko eh. " sabi niya.

" Wag... Wag mo kong iwan dito... Parang awa mo na please... Tulungan mo ko" ngunit hindi siya natinag. Tumawa siya ng malakas.

" HA-HA-HA!!! NARINIG MO BA YANG SINABI MO? BAKIT, NAAWA KA BA SAKIN NUNG NAKITA MONG BINUBUGBOG AKO?! NUNG BINUBULLY AKO?! TINULUNGAN MO BA KO?! hindi... Dahil dinaanan mo lang ako. " ngayon naalala ko na... Siya nga iyon.

" Ngayon malibing ka ng buhay. Wala akong pakelam sayo. Dadaanan lang kita gaya ng ginawa mo sakin. Bahala ka na diyan. Ay oo nga pala, balita ko kasi, maraming Ahas dito. Oh ayan, para may makasama ka. Malay mo, tulungan ka niya. HAHAHAHAHA" sabi niya at may hinagis saking Ahas.

Nakita ko nalang siya na naghuhukay at nilalagay sakin yung lupa. Katapusan ko na nga... Huli nako.

xxx

Class: Grade Nine Section Love (#wattys2017)Where stories live. Discover now