V

1.5K 49 1
                                    

FATIMA ALMODOVAR

CHAPTER 5

Kitang kita namin ngayon ang bangkay ni Justine. hindi kami namamalik mata. Hindi kami nagkakamali.

"erika! Anong ginawa mo kay justine?! Mamamatay tao ka!" Sabi ni gail kay erika na ngayon ay gulat na gulat dahil nakita namin siya na hawak si justine at puro dugo ang kamay.

"h-hindi ako! Wala akong kinalaman dito!" Sabi niya. Pero kahit anong paliwanag niya, di na namin siya pinakinggan. Kitang kita naman.

"nagdedeny kapa. e kitang kita na!" Sabi ko sa kanya.  Tinulak siya ng mga babae. Binabato siya ng mga lalaki. Wala nang awa awa samin.

"itigil nyo nga yan! Tingin mo makakatulong yan?!" Sabi ni Athena na nakatayo sa harap ni erika. Si gabrielle naman na lumapit kay erika at pinunasan ang mga luha nito. Tumigil ang lahat.

"what the! Anog nangyayare dito?!" Sabi ni lalaine na gulat na gulat. Marahil ngayon lang niya nakita na may bangkay sa room ng section love.

"ayan! Pinatay ni erika ang kaklase natin!" Sabi ni dave kay lalaine na nagsusumbong.napabuntong hininga naman si lalaine at nagsalita

"itago nyo muna yung katawan ni justine sa cabinet." what? Di man lang niya irereklamo sa dean?

"ano? Di mo ba sasabihin ang nangyari lalaine?!" Sabi ni Abcd. Tama siya.

"naisip mo ba yan Abcd? Pag sinabi ko, laglag ang section natin. Sira kayo, sira tayo." sabi niya.

"may point siya. Mas magandag satin satin nalang to." Sabi ni ephraim.

"teka asan na yung bangkay ni charm?!" Nakuha ang atensyon kila paolo pagbukas ng cabinet.

"Anong nangyari kay Charm?" Sabi ni lalaine. Walang nakinig sa kanya dahil nagpapanic na ang lahat.

"guys wag kayong magpanic. Nakita kong niligpit ng janitor yan kanina" sabi ni philip.

"pano kung si charm yung pumatay kay justine?" Sabi ni Elizabeth. Bakit siya aligaga? Bakit mas kinakabahan pa siya?

"ano ba naman! Patay na nga yung tao balak nyo pang patayin! Diba kayo titigil? Kaya nga nagpakamatay yun tao dahil sa inyo eh! Dahil binalak nyo na yun!" Sabi ni gelou na tumayo na sa sobrang inis.

"kalma gelou. Kalma" sabi ni julia na katabi ni gelou.

"pano kung magsumbong yung janitor?" Sabi ni Angelie.

"hindi magsusumbong yun sinisigurado ko. Tska, trabaho niya ang mawawala kung saka sakali. Kasi, AKO padin ang pwedeng mamahala dito sa school. AKO LANG" sabi ni athena at tumayo. Tama nga siya. Siya lang. At wala nang pwedeng umangal dun.

"dave, kumuha ka nalang ng mop at punasan yan. Erika, sumama ka sakin." sabi ni lalaine na tinatayo si erika.

"at san kayo pupunta?" Sabi ni Kiel

"sa computer room. Ichicheck sa CCTV " sabi ni lalaine at umalis kasama si erika.

Habang nakatahimik lahat, nakatulala ako sa bintana sa corridor. Dahil ako ang pinakauna, ako ang nandito sa pinaka harap. Kailangan naming alamin kung sino ang pumapatay. Hindi pwedeng hindi. Kasali ako sa section love.

Habang nakatingin ako, nakita ko si charm na dumaan. The fuq dumaan di charm! Nakangiting nakatingin siya sakin ng nakakatakot. Nabalik ang tingin ko sa mga kaklase ko. Busy sila lahat at yung iba ay natutulog. Lumabas ako at sinundan si charm.

Nakita ko siya na pumasok sa library. Tuloy tuloy lang siya na pumasok. Hanggang sa nawala nalang siya bigla. Tama na fatima..namamalikmata ka lang.

"huy" nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita si prince ivan. Isa rin sa section love.

"anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

"n-nakita ko kasi si charm. Sinundan ko lang" sabi ko sa kanya. Siya naman nagulat pero bigla lang din na tumawa.

"baka hindi matahimik kaluluwa nun. Halos araw araw nabubully eh. Pero, kaluluwa lang yun. Di ka rin sasaktan" sabi niya sabay kindat sakin. Nabatukan ko nga.

"aray ko naman! Hahaha. Sige, Alis nako. " sabi niya saka tumakbo. Loko loko talaga yun.

Bumalik ako sa room at naguusap usap sila.

"pupunta tayo... sa burol mamaya" sabi ni kirby. Ngayon napatunayan ko na. Hindi talaga si charm yung nakita ko kanina. Napapraning lang ata ako.

xxx

Class: Grade Nine Section Love (#wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon