XLVII

582 19 1
                                    

WADE BUENAVENTURA

CHAPTER 47

" hoy Philip! Dala mo ba yung susi?" Sigaw ko kay Philip. Tangina nakalimutan ko sa loon yung duplicate ko.

" Malamang...hindi! Nasa loob eh " sagot nya sakin.

" Gago ka? Bakit mo iniwan sa loob?" Sagot ko naman sa kanya.

" Eh sayo gago nasayo ba?"

" Wala! Kaya nga kita hinahanapan eh diba?"

" tarantado ka pala eh! Manahimik ka na nga!" Sabi niya sakin kaya wala kaming nagawa kundi magantay na may magbubukas ng pinto kaso wala talaga.

" Sirain mo na kaya yung doorknob! Tutal wala naman si intsik eh!" Utos nya sakin.

" Tarantado sinong itsik?" Sabi ko na tumatawa pa. Akalain mo, intsik tawag nya kay ma'am.

" yung nagtitinda sa chinatown monggoloyd!" Tapos nagtawanan kami. Pero wala talagang nangyayari kahit magingay pa kami eh. Kaya sinipa ko na yung doorknob na yun at nasira naman.

Pagpasok namin, walang katao tao. Malinis pero mabaho.

" Tangina ni Sheen tumae pa ata ng hindi nagbubuhos" sabi ni philip kaya natawa ako. Buset na sheen to, di pa nagbago.

" hoy sheen! Nasan kaba? Yung amoy mo kumakalat! Ahahahaha" tawanan ulit namin ni Philip. Siraulo talaga kami at alam na namin yun.

Biglang lumakas yung hangin na dumapo samin kaya kinilabutan ako. Okay, back to reality. Horror life ulit.

" nasan nga pala si Sheen at John? Wala rito ah. " tanong nya sakin.

" Philip, kani-kanina lang ba... Magkasama tayo?" tanong ko sabay tingin sa kanya ng makahulugan.

" Oo bakit, bakit?" tanong nya na parang di pako maintindihan.

" Tarantado ka alam mo naman pala eh, bakit tinatanong mo pako kung nasaan sila? Mukha bang alam ko ha ha?" sakastiko kong sabi sa kanya.

" Gago. " sabi niya nalang.

" Sige pre, maliligo lang muna ako saglit. Maiiwan kita!!!" sabi ko at binuksan yung drawer. Halos masuka at mapaatras ako ng makita ko si Sheen.

" What the fuck" sabi ni Philip. Dahil nagulat din sya.

Wala na syang saplot sa katawan at duguan sya. May mga hiwa sa mukha at katawan na parang kutsilyo pero malalaki ang hiwa. Tapos sa dibdib nya, may nakatusok na basag na bote ng beer.

" Putang***" napasabi ko. Malamang ay basag na bote din ang pinanghiwa rito.

" h*yop!!" sinara ni Philip ang drawer at tinalian ng mahigpit para di na bumukas pa.

Pagkatapos talian ay sunod sunod na kalabog ang ginagawa sa loob nun na parang ang daming nakakulong. Ang daming kamay na sabay sabay nagiingay. Umalis kami doon at nakitulog sa iba.

Bangungot. Isang bangungot na pilit bumabalik sa isip ko. Hindi ko na kayang palampasin pa. Hindi na dapat ako magtiwala sa iba. Lalong lalo na sa nakapalibot, sa kwartong to.

Natulog ako cr nalang mismo at nilock ang pinto para walang makapasok. Hinarangan ng kung ano ano. Alam ko isa sa tinutulugan namin ang pumapatay. Hindi ko man alam kung sino, pero wala nakong pake. Ang mawawala ay mawawala. Ang lumaban, ang syang panalo.

"Oh wade, ikaw muna ang bahala sa mga cctvs ha, maiwan kita dito" sabi ni sir at tumango ako. Walang cctv sa rooftop pero kita ang naunang pagakyat ni Aurora at nung tumulak sa kanya. Nandoon din si Justine na nagmamadaling bumaba.
-
" Wade!" Sigaw ni Lalaine at lumapit sakin.

" oh, bakit kayo nandito?" Tanong ko. Hawak nya pa si Erika ng araw na yun. Halatang kinakabahan sya. Pero alam ko hindi syang may kasalanan.

" pakicheck nga sa cctv ng section love sa nangyari kanina?"gagu ka lalaine. Ang lakas mo mambintang. Alam kong hindi sya yun.

" cctv ng room naten? Kanina pa sira eh. Kaya wala si sir kasi naghanap siya ng magaayos " pag kukunwari ko. Kawawang Erika, pagkatapos ni Justine sya naman.

" sige sige salamat" ang mahalaga alam ko ang katotohanan. Kung sino ang pumatay kay justine at nanisi kay Erika.

Alam ko din ang may pakana nitong lahat. Hindi lang sya isa. At alam kong hindi lang ang nakita ko ang syang pumapatay. Madaming nagtatago lang jan.

xxx

Class: Grade Nine Section Love (#wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon