CHAPTER 13

3 1 0
                                    

CHAPTER 13

Kararating ko lang sa lugar na sinabi niya ng Makita ko mula sa labas ng restau ng Makita ko si Vincent sa labas na may kausap na sexing babae. Napatigil ako at gimilid muna habang nakikichismis sa kanila. Anlakas pa ng loob kong mag sabing normal na ang chismisan sa paligid at hindi ko yon gagayahin pero , anong ginagawa ko ngayon? Watching Vincent with a gi------


"OoOoHhhhh" the girl tried to slap him! Pero umiwas si Vince, what? Why?


Napa iwas na lang ako sa kanilang dalawa at may tinext na lang sa cellphone ko. I was about to go outside my hide out when I saw Jethro looking at me, Napalingon pa ako sa paligid baka may kasama pa sya abut he seems alone kaya naka hinga ako ng maluwag


"Wala si Calix kung siya ang hinahanap mo" seryosong saad niya habang nag lalakad papalapit sakin, napahinto na lamang siya ng Makita ang tiningnan ko kanina. Lumingon din ako sa pwesto nina Vincent just to see how he was being slapped by that girl. Naramdaman ko ang pagbigat ng aura ni Jethro sa tabi ko, lalakad na sana siya papalapit ng pigilan ko


Nasalubong ko ang mata niya, alam kong gusto niyang puntahan si Vincent pero "Huwag ka munang lumapit Jethro" kahit hindi kami close naglakas loob parin akong sabihin yon sa kanya " Ano bang pakealam mo?"


"Lalaki ka, alam mo ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang nakita mo siya ng ganon Jethro" Paliwanag ko "Hayaan mo muna siya, it's his business, huwag ka ng maki-alam"


Bigla niya na lang niyang hinigit ang braso siya sa pagkakahawak ko tsaka tumingin kay Vincent. Wala na yung babae, napabuntong hininga na lang sya tsaka umalis sa tabi ko pabalik sa pwesto niya kanina, sa may parking lot


Naglakad ako papalapit kay Vincent na parang walang nangyare, Umakto pa akong nagulat nang Makita siya "Vincent! Anong ginagawa mo dito?"


Nakatitig lang sakin si Vincent habang nagsasalita ako, ngumiti sya sakin tsaka sinabing kararating niya lang daw "Kararating ko lang Miss Chevi, kakain ka?" tanong niya sabay turo ng Restau sa likod niya. Tumango na lang ako kahit ang dapat kong puntahan ay katabi pa nung Restau


"Matagal ka na ba dito?" Tanong ko kay Vincent tahimik lang siyang umorder pati nga yung sakin sya na ang nag asikaso, Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya tahimik na sumunod na lang ako sa kanya habang kinakapa parin ang mood nya. Umupo na kami sa may gitna ng Restau, nag tingin-tingin lang ako sa gilid habang sumisiplit sa kanya, napa iwas na lang ako ng makitang tumingin siya sakin


"I know you see what happen earlier" biglang saad niya, mabilis akong napalingon sa kanya. Itatangi ko pa sana ng makitang hawak niya ang pisnge niya


"Hindi ko naman sina—"


"It's okay" pagputol niya sakin, natahimik ako pagkatapos non "Hindi ka ba magtatanong sakin?"


"Gusto ko sana kaso, It's your business, I don't want to-you know, maki chismiss" sagot ko na lang sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. Naalala ko yung nangyare kanina "Nandito rin si Jethro kanina, naka-usap mo ba sya?"


Tumingin sya sakin na parang nagulat "Si Jethro?" gulat na saad niya "Oo, lalapitan ka sana niya nung Makita nya yung nangyrae pero---"

The Forgotten Promise (COMPLETED) [Under Zeb Original Stories]Место, где живут истории. Откройте их для себя