CHAPTER 23

2 1 0
                                    


CHAPTER 23

Kadarating lang ng mga pagkain ng dumating narin sina mama kasama sina Tita. I look at Owen when I saw him smirking at me. Napata-irap na lang ako sa ginawa niya. Ang kapal naman ng mukha magpakita sakin matapos maging MIA nung iniwan ako sa Russia


Umupo na lang ako sa cottage, Hindi rin naman nila ako papagawain dahil ingat na ingat parin sila sa ulo ko. Hindi ko na nga masyadong tinatanong ang mga nangyare sakin dati dahil sobra akong atakihin ng sakit sa ulo. Halos mag iisang araw akong makakatulog after atakihin dati. Sobra silang mag alala at si papa.


Si Papa, Matapos raw yung aksidenteng nangyare sakin dito sa Pilipinas. Nagpakalunod raw sya sa pag hahanap kung sino ang may kasalanan kung bakit ako naaksidente. Alam ko namang nahihirapan na silang lahat sa nangyare. Halos na ipagbenta na ni Papa ang kalahati ng company niya sa hindi ko mga kilalang businessman.


Ang alam ko lang, hindi talaga nila sinasabi sakin ang mga nangyayare at balita tungkol o konektado sa aksidente. Narinig ko pa nung nakaraang buwan ang mga pag aaway nina mama at papa. I've always wanted to say and stop them for doing this. It's not worth it anymore. Nasasayang lang ang pera ni papa at mga pinaghirapan niya.


Pati mga kamag anak ni Papa sa fathers side niya, hinuhusgahan na siya. Alam kong mahalaga rink ay papa ang nagging negosyo niya. Halos nagging parte na nga yon ng buhay niya at pinalaki at ipinagkatiwala yon sa kaniya ng papa niya. Ni lolo


Hindi na nga natuloy ang pag-aaral ko, Hindi ko rin alam kung paano ko sila napapayag na i-enroll ako sa isang school sa Russia para makapag-aral ng business. Nahihirapan ako nung una pero kahit naman ayoko gusto ko talagang matulungang mabawi ang business para kay Papa.


Halos araw-araw ko ngang naririnig ang mga balitang hindi pa nga nila nahahanap ang tunay o ang pinaka pasimuno ng tangkang pagpatay sakin. Napabuntonghininga na lang ako ng maalala na naman ang problemang ito.


Napalingon ako sa tabi ng dagat ng Makita na naman ang lalaking yon. Hindi ko siya kilala pero kapag nadadaanan siya ng mata ko, I just found myself staring at him.


"Who are you looking at?" napaiwas kaagad ako ng tingin ng marinig ang tanong ni Owen sabay upo sa tabi ko, Nakita ko pa ngang sundan niya ng tingin ang tinitingnan ko


Hindi ko alam kung ano ang nagging reaksyon niya pero ng mapatingin ako sa kaniya nakatitig lang sya sakin na tila nagulat


"Kilala mo?" tanong niya sakin, It's sounded like he's expecting me to know that guy.


Nagtataka ko syang tiningnan "No, bakit?" tanong ko


Napailing na lang siya sa inasta ko. Pinagmasdan ko siya hanggang sa nauna ng kumuha ng mga pagkain sa lamesa. Napabalik naman ang tingin ko sa lalaking nasa tabi ng dagat. I was shocked when I saw him staring at me. Napaiwas tuloy ako ulit ng tingin


I suddenly felt uneasy on the way he stare, It's not scary but it is intimidating. Naglakad na lang ako sa lamesa ng tawagin na ako nina Tita para mananghalian.

The Forgotten Promise (COMPLETED) [Under Zeb Original Stories]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora